Chapter 9

109 13 17
                                    

Chapter 9:

Redion Axel's P.O.V

MABILIS lumipas ang mga araw.

Simula noong gabi na iyon, lagi na kaming magkasama kapag lunch break. Halos sabay kasi ang schedule namin ng vacant.

Kung hindi sa court, nasa Tara G ako.

Lagi rin niya rin kasi akong nahahatak sa Tara G para samahan siyang uminom. Iyon na yata ang role ko sa buhay niya. Taga hatid niya kapag lasing na siya. Naknampucha.

Pero kahit gaano na kami ngayon kalapit sa isa't isa, ayaw ko pa rin siyang maging kaibigan. Kahit iyon naman ang turing niya sa'kin. Okay lang naman. Basta sa'kin, ayaw kong ituring siya no'n.

"Hoy Pula, may ganap ka ba today?" Hinampas niya ako sa balikat. Napatingin ako sa kan'ya na masama na kunot ang noo dahil kung makahampas naman parang hindi masakit, e.

Umupo siya sa tapat ko. Nakatambay kasi ako rito sa field habang nagre-review para sa quiz namin sa major sub namin.

"Practice after class." Sagot ko. Kinuha niya 'yong libro ko sa Anatomy and Physiology at binuklat pero kumunot lang ang noo niya.

"Sama ako ah." Sagot niya. Binitawan na niya 'yong libro. "Tapos samahan mo ako ulit sa Tara G." Patuloy niya.

"Iinom ka na naman? Maawa ka naman sa atay mo."

"Hindi ako iinom. Manonood ako ng gig valentine's special." Sagot niya. Tinignan ko lang siya kaya umirap siya. Duda talaga ako sa hindi iinom.

"Fine. Baka kaunti lang naman." Sabi pa niya. Napailing na lang ako.

"Si Zack na yayain mo. Pagod na ako buhatin ka pauwi." Sagot ko. Pero ang totoo, sasamahan ko naman talaga siya. Kung iaasa ko siya kay Zack, baka iwan pa niya kapag nag-text si Reeves.

"Style mo. Ilang beses mo na 'yan sinabi ano." Sagot niya. Umiwas na lang ako ng tingin.

"Oo nga pala, next week na start ng PRISSA 'no? Saan ba gaganapin game niyo?" Tanong niya. Kinakain na niya 'yong binili ko kanina na shomai sa canteen.

"Oo. Sa UCV." Sagot ko. Inaalala ko pa 'yon. Minsan gabi na kami nakauuwi dahil sa practice.

"Bigyan mo ako ticket ah, manonood ako." Sabi niya. Tumango ako. Bibigyan ko naman talaga siya.

Ganon nga ang nangyari. Matapos ang practice namin ay sabay kami na pumunta sa Tara G.

Mas marami ngayon ang tao dahil may banda raw na kakanta, fan na fan talaga siya ng mga banda. Pinaparinig niya kasi minsan sa'kin ang playlist niya nang hindi raw ako puro Taylor Swift.

Sa bandang likod na kami umupo dahil marami na ang tao sa harap. Pagkaupo ay agad na may lumapit na staff at kinuha ang order namin.

"No hard drinks, Aviel." Bilin ko sa kan'ya. Umirap naman siya at mabuti at sumunod naman.

May banda nang nagpe-perform sa harap. Napakunot ang noo ko nang makita ang isa sa nagpe-perform ay si Dave.

Alam naman namin na mahilig talaga si Dave sa music. Sumasali nga 'yan noong high school kami sa battle of the band tuwing may event sa school.

Kinakanta nila ngayon ang Unti-unti by UDD.

Napatingin ako kay Aviel na sumasabay na sa pagkanta.

Napapansing lumalayo
Ang iyong tingin
'Di na alam ang dapat kong gawin
Hmm, tuluyan ka na bang mawawala sa 'kin?

Bumuntong hininga ako. Alam kong iisang tao lang ang iniisip niya ngayon.

"Siya pa rin ba, Aviel?" Napatingin siya sa'kin nang lumabas iyon sa bibig ko. Nagtama ang mga mata namin.

The Story of Us [COMPLETED]Where stories live. Discover now