Kabanata 31

1.3K 59 3
                                    

Kabanata 31

Perfect

Bininyagan agad naming dalawa ni Daxiel ang mansyon.

Bawat sulok nito'y wala kaming pinalampas. At bawat sulok ay mayroong pruwebang kami ang nagmamay-ari ng kabuuan nito. That was the first thing we did owning a new mansion.

Even without furniture inside, we were able to do different positions. The master's bedroom already has a bed. Mayroon pa iyong plastic kaya mainit kapag lumapat sa katawan.

We stayed for the night after our mind-blowing make-love sessions. Pagod na pagod ang katawang lupa ko, agad akong dinalaw ng antok. Hating-gabi nang magising akong kumakalam ang aking sikmura.

Daxiel's sleeping beside me.

Nakapulupot ang kanyang kamay sa aking baywang.

Bahagya akong bumangon at tumungo sa kusina upang maghanap ng pagkain. It was empty. Napakamot naman ako sa ulo at muling bumalik sa kuwarto para itulog ang gutom.

"Hey,"

Mukhang nagising din ang boyfriend ko sa pagbalikwas ko kanina. Nagkasalubong kaming dalawa sa gitna.

"Do you need something?" malamyos na tanong niya sa akin.

"Medyo nakaramdam ako ng gutom, wala nga pala tayong pagkain... Mas inuna kasi nating kainin ang isa't isa."

It made him laugh.

"I forgot there are groceries inside the car. Shall I cook something for you? Or do you want me to go and find a restaurant still serving at this hour?" tanong niya.

"What do you prefer?"

Bumaba kaming muli upang kuhanin ang groceries na naiwan sa sasakyan.

I decided to go with him and drive around to find something to eat. Wala rin naman masyadong gamit sa mansyon, mas mahihirapan siya kung ipagluluto pa niya ako. Bahagyang nawala na rin naman ang aking antok.

A drive around the city would be nice.

Imbes na tumungo sa isang restaurant o fast food chain, pinatigil ko ang sasakyan sa isang night market. Inabutan naman ako ni Daxiel ng hoodie para hindi ako lamigin bago lumabas ng kotse.

Magkahawak ang kamay naming naglibot sa kabuuan ng night market. We bought several street food and drinks.

Halos lahat ng ituro ko, binili ni Daxiel para sa akin.

I enjoyed the night market experience. Daxiel did, too.

Sa sasakyan na lang namin iyon napiling kainin habang pabalik sa mansyon. Sinubuan ko siya ng mga pagkain na tinikman ko habang nagda-drive siya ng kotse.

"Why don't we stop somewhere, baby? Para naman makakain ka ng maayos."

Pumarada muna siya sa isang vacant spot para masulit namin ang pagkain habang mainit pa ang mga ito. Pinagsaluhan namin ang mga pagkaing binili ng may kasamang kuwentuhan.

"Kapag nagpakasal tayo, hindi palaging ganito lang na masaya at payapa. Baka may dumating ding unos at mga away... I hope we're being reminded of the good times. There would always be good times for us," saad ko sabay subo ng isaw sa kanya.

"No relationship is perfect, Millaray. But we'll communicate and we'll compromise."

Hinawakan niya ang aking kamay at hinalikan ang likod nito.

"Madali lang naman akong suyuin. Shopping at pera lang sapat na sa akin." Ngumisi ako.

Dinampian niya nang masuyong halik ang aking noo saka tumawa.

The Gold-digging Mastermind ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon