Kabanata 4

2.1K 85 17
                                    

Kabanata 4

Dress

"Posturang - postura ang ayos natin, ma'am, ah. Saan ang lakad mo?" usisa ni Maricel.

"Hindi naman," Humagikhik ako at umikot sa kanya.

Lagi naman akong nakaayos kahit nasa bahay lang, iyon ang nagpapasaya sa akin. I always want to look good and feel good about myself. Pero s'yempre, extra good dapat kapag lumalabas ako.

I was wearing a fitted leather dress paired with gloves. It was flaunting my curvaceous body. I was feeling good about my dress.

"Mag-aampon kami ng dog ni Daxiel Gustav Jr." sinabi ko.

"Bakit, ma'am? Marunong ka bang mag-alaga ng aso?"

"Inalaagan ko nga ang asawa ko, s'yempre naman."

"Eh, tao naman iyon, ma'am."

Nasapo ko ang aking noo, magkapareho kami ng wavelength ng utak ni Maricel kaya nagkakasundo talaga kaming dalawa.

"Nakita mo ba siya? Bihis na ba?" Umiling naman si Maricel bilang sagot.

She would be cleaning the master's bedroom. Nagpaalam naman ako sa babae. I even asked them what they want for pasalubong. Kahit hindi naman sila nagsasabi, madalas akong nag-uuwi ng pagkain o anumang pasalubong ang nasalubong ko sa daan.

"Ay, ma'am. Baka mayroon kang leotards ba 'yon? 'Yong deretso panty. P'wede bang hiramin, gagamitin kasi daw na costume sa sayaw ng anak ko." Napatigil naman ako at napaisip.

Of course, I have that.

Hindi ko nga lang alam kung saang sulok ng walk-in closet ko nailagay iyon. Isa pa, ayoko namang ipasuot sa anak niya kung sakaling nagamit ko iyon sa pagtatrabaho ko noon sa club.

"Hindi ko matandaan, Maricel. Ibibili ko na lang ang anak mo, tutal baka dumaan din kami ng mall." I told her. "Sure akong magagamit niya rin iyon sa susunod na kailanganin."

Ngumiti naman ito sa akin. "Salamat po, ma'am. Iyong mura lang po sana."

Tumango naman ako at muling nagpaalam. Sometimes, I run errands for them. Lalo na kapag kailangan ng mga anak niya. Wala naman sa aking problema.

Nadatnan ko si Daxiel Gustav Jr. sa sala.

"Where are you going?"

"Saan ka pupunta?" Halos sabay naming tanong.

He was only wearing a fitted white polo shirt, khaki pants and loafers. Mukha siyang kagalang - galang.

"Akala ko ba pupunta tayo sa shelter?" Tumaas ang kilay ko.

"I thought so, too. Is that the dress code? I wasn't informed."

I twirled.

"Hindi ba maganda? Mao-offend ako kapag sinabi mong panget." Umusok ang aking ilong.

"Why ask if you're going to be offended by an honest answer?" He raised a brow.

"So, hindi nga?" Nagsalubong ang aking kilay.

"I didn't say it wasn't beautiful, but it wasn't the appropriate dress for the occasion."

"Okay. Edi maganda. Nahiya ka pang umamin. Iyon lang ang narinig ko." I beamed. "Let's go!"

Nauna na akong naglakad palabas ng mansyon. Dala ko lang isang maliit na purse ko na may lamang card, make up na pang-retouch at bente pesos. Sakaling iwanan niya ako, may dala akong pamasahe sa jeep pauwi.

The Gold-digging Mastermind ✔Där berättelser lever. Upptäck nu