Kabanata 2

2.5K 92 31
                                    

Kabanata 2

CPR

Mailap ng bahagya ang lalaki.

Mas madalas na wala siya sa bahay. Hindi ko siya nadadatnan sa paggising ko sa umaga at tulog na ako sa tuwing umuuwi naman siya. Mahalaga iyong beauty rest ko 'no. Ganda lang ang puhunan ko.

Sleep is the secret to being beautiful.

At s'yempre, iyong pangmalakasang exercise ko. I was dancing to any beat of a song early in the morning to keep the energy flowing into my body. It was making me productive of doing nothing every single day... tanging paghahasik lang ng kagandahan. Bongga!

It was Saturday morning.

Namataan ko si Daxiel Gustav Jr. na lumalangoy sa pool. I could see his back muscles flexing whenever he moved. It was a great view... an appetizer to my breakfast meal. He inspired me to go swimming as well.

I only wore my black scalloped trim bikini set. Red bikini sana ang isusuot ko, baka naman isipin niyang masyado kong ipinagbubunyi ang pagkamatay ng kanyang ama. Tinakpan ko iyon gamit ang roba bago bumaba sa pool area.

Hinubad ko ang suot na roba at tumayo ako sa gilid ng pool kung saan siya aahon. When his face came up from the water, I smiled endearingly.

"Good morning, Gustav Jr. Mind if I join you?"

It was obvious that my presence surprised him. Muli siyang lumubog at lumitaw sa tubig. Hindi ko na hinintay ang kanyang sagot. I went to the stairs of the pool. Unti - unti kong inilubog ang katawan ko sa tubig.

An instant regret flooded in my system, it was just so cold. I usually take a swim whenever the atmosphere is hot. Hindi yata kaya ng hotness ko ang lamig.

Well, I am already soaking wet. Ngayon pa ba ako aatras at aalis sa tubig? Sayang ang swimsuit ko.

"What are you doing here, jejemon?" Ginulo niya ang kanyang buhok na basa.

Bahagya siyang naupo sa pasamano ng pool. The water was dripping on his muscled chest. It was defined. Markadong - markado rin ang six-packed abs niya. Napalunok ako ng laway.

Tinging - tingin siya sa akin. Sumimangot ako nang maalala ang pagtawag niya sa akin ng jejemon.

"Bakit? Masama ba? Pag-aari mo ba?" I asked him.

Tumaas ang sulok ng kanyang labi.

"Soon to be mine..." misteryoso niyang wika.

My blood boiled, I kept my composure.

Hindi ako magpapatalo sa kanya. There's nothing to be his.

Akin ang mansyong ito! Akin ang pool! Akin ang mana!

Walang sa'yo, Daxiel Gustav Jr.! Akin lang ang mana ko!

Nanggigil ako sa lalaki, ang sarap kurutin ng utong niyang firm! Hindi niya ako masisindak sa threats niya. He's only solidifying my plans for him. Sisiguraduhin kong hindi siya mananalo sa akin.

Maybe, he's the one soon to be mine.

I smirked at the thought. The thought calmed the turmoil happening in my body. I started to float in the middle of the pool.

Gusto niya iyong pool? Sure, he can have that.

Kung sakali siya ang magiging may-ari ng lahat ng ito, sisiguruhin ko namang sa akin ang bagsak ng may-ari... sa akin ang bagsak niya. He can be the owner of all the material things, but I will be the owner of the owner.

The Gold-digging Mastermind ✔Where stories live. Discover now