Kabanata 19

1.7K 77 10
                                    

Kabanata 19

Confession

Our misunderstandings were only short-lived.

Isang paliwanag lang niya ay rumurupok ang puso ko. Well, hindi lang naman paliwanag ang bala niya, mayroon ding ebidensyang kasama na nagpatunay na absuwelto siya sa aking galit.

Alam na alam ni Daxiel Gusatav Jr. kung paano ako kuhanin at paamuin. Everything he does is effective to sway my heart.

Dati nama'y kontrolado ko ang aking puso, pero bakit ganito ang pakiramdam ko ngayon? Parang nauupos matibay na pader na ipinundar ko upang harangan ang aking puso.

It can't be.

I totally underestimated him. Magaling si Daxiel... magaling siya sa laro ng pag-ibig. He's a worthy opponent to match, I should be grateful, it's going to be more entertaining for the both of us.

Siguro'y ayos lang naman kung masaktan ako pagdating sa pera... at least, umiiyak ako nang pinapahid ko ay branded handkerchief na may kasamang lilibuhin.

Weekends are my favorite part of the week.

Mas madalas ang date namin ni Daxiel dahil wala siyang trabaho. We can go wherever we wanted. This time, I asked for a picnic date by the shore.

The last time we went to the beach was when his friend got married. Kinulit ko lang siya upang makasama ako. Kaswal pa ang lagay namin noon. He was very much annoyed with me.

Hanggang ngayon naman kasiyahan ko pa rin ang inisin siya.

Our relationship progressed already.

Dinala niya ako sa isang private resort sa Batangas sa dati naming pinuntahan na pag-aari ng pamilya ng kanyang kaibigan. Maraming tao sa resort, hindi lang kami. Andoon din ang ilang kaibigan ni Daxiel kasama ang kanilang pamilya.

It wasn't planned.

Most of his friends were already married with kids. Hindi ko nakasalamuha iyong iba sa kasal noong nakaraan. It was a private wedding with only the immediate family and the best friend invited. Ipinakilala ako ni Daxiel sa ilang kaibigan niya.

Cameron Gabe was the groom of the wedding we attended last time. Then, there was a man named Jandro, next to him was Levi. Parehong may asawa't anak na rin ang dalawa. Mayroon pa raw akong hindi nakikilala.

"You really looked familiar... I just couldn't figure out where I saw you." Jandro told me. "Right, Levi?"

"Lahat naman pamilyar sa'yo..."

I smiled and looked at Daxiel.

Matatandaan ko naman siguro ang mga ito kung nagkita na kami dati pa.

Nakapamulsa siya habang nakamasid sa kanyang mga kaibigan na may seryosong ekspresyon. Nawala naman ang atensyon ko rito nang may humawak sa suot kong palda. It was a cute little girl wanting me to carry her.

Kinuha ni Daxiel ang karga kong anak namin at kinarga ang batang babae.

"Jelly bean!" Napakamot ng ulo si Jandro. "Hindi mo pa nga kilala si Tita Olga, nagpabuhat ka naman agad."

"Jelly bean?" I asked.

"Just my endearment for my baby girl. Her name's Jordyn Jandrea." Jandro explained.

"Hello..." Nginitian ko ang batang babae.

She just giggled and tried to seize my face with her little hands.

Another one pulled my skirt, it was a little boy who also wanted to be carried. Anak naman iyon ni Levi, umiyak ito nang pilit kinukuha ng ama.

Hindi lang kay Daxiel havey ang beauty ko pati sa mga bata. Sinubukan ko namang buhatin pareho ang dalawang bata para walang umiyak sa mga ito.

The Gold-digging Mastermind ✔Where stories live. Discover now