Kabanata 8

2K 81 19
                                    

Kabanata 8

Crush

I am hot, everybody knows that.

My body took it in a literal sense as well, not because I was wanting to mate. Ilang araw akong tinablan ng lagnat at pananakit ng katawan. Masyado kong sinulit ang pagpunta ng beach, sumuko ang aking katawan pagkarating ko ng siyudad.

It was the first time I had a full blown fever. Hindi naman ako nagkakasakit noong buhay pa ang aking asawa. Hindi p'wede dahil baka mahawa siya at hindi kayanin ng kanyang resistensya.

Bago pa man ako tuluyang magkasakit, umiinom na agad ako ng gamot upang hindi na iyon lumala pa.

I forgot.

Buong akala ko, madadala iyon ng tulog lang.

Nagising ako sa master's bedroom na mayroong nakakabit na IV fluid. They panicked and called the doctor. Akala yata nina Maricel mamatay na ako kaya pinilit nitong magpatawag ng doctor kay Daxiel.

Daxiel Gustav Jr. was roaming around the room when I woke up again. He was looking at the decorations hanged in the wall.

Simula nang namatay si Gustav, wala pa akong napapalitan sa mga dekorasyon. Mostly, our pictures together were still intact. Marami iyon. Mahilig naman akong kumuha ng mga litrato.

He took care of me the days I wasn't feeling well. Madalas niya akong inuusisa, dinadampian ako ng bimpo at pinagbabalat ako ng mga prutas lalo na sa gabi kapag nagpapahinga na sina Maricel.

Wala akong ganang kumain ng ilang araw. I never left the bed unless I needed to do something in the bathroom. Hilong - hilo ako at umiikot ang aking paningin.

Kung sa ibang pagkakataon, gusto ko sanang paniwalaan ang kanyang pag-aalala... I was still thankful that he took care of me, but I couldn't fall for that trap. Why would he care?

P'wedeng mabuting tao lang siya... I just didn't buy that, it was suspicious to me.

"How are you feeling?" Lumapit siya sa gawi ko.

"Ang baho ko na..." My voice was still hoarse.

"No, tolerable pa naman," seryoso niyang wika.

Sumimangot ako. That's his revenge, huh. Umagang - umaga, niyayamot niya ako.

"Ganti ba 'yan ng isang api?" Humalakhak siya.

Mas lalong nagsalubong ang aking kilay.

Ang g'wapo niya sa umaga. Ang g'wapo niya kapag tumatawa.

Ganito pala ang feeling ng poet.

Samantalang ako, walang ligo. Magulo ang aking buhok. I got a bit conscious with my bare face. Kinapa - kapa ko ang bandang mata, baka may morning stars, nakakahiya naman kung iyon ang napagmasdan niya.

Inabutan niya ako ng tubig, ininom ko naman iyon. Mahina pa rin ang aking katawan pero wala na ang naghahalong init at lamig na pakiramdam. Hignaw na ako sa lagnat, ipinatanggal ko na rin sa kanya ang IV fluid na nakakabit sa akin.

"You feeling better?"

Tumango ako.

The doorbell rang.

Daxiel stood and walked toward the door. Nang bumalik siya, mayroon na siyang dalang tray ng pagkain. Naamoy ko agad ang aroma ng agahan. I didn't eat much the past days, this was my first decent meal since the lunch in Batangas.

Ipinagluto ako nina Maricel ng arroz caldo. I was salivating. Mayroon ding prutas sa isang bowl. They prepared some ginger tea for me. Mahilig ako sa tea... tea.

The Gold-digging Mastermind ✔Where stories live. Discover now