Different : Origin 40

4 2 0
                                    





"Last 22 seconds.."

Halos maligo na ng pawis habang patuloy na hinihimas ang pader kung saan ako nakasandal, hinihimod ko talaga ang bawat makakapang pader.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik na magkapa ng umabot na sa 30seconds kanina, I need to press the button to stay alive.. to come out alive.

"Where's the button damnit!"mura 'ko at pinikit-pikit ang mata.

Nananakit narin ang mga ito dahil hindi masanay-sanay sa dilim, ni hindi 'ko alam kung gumagalaw ba talaga ako sa pwesto 'ko. Kaunting segundo nalang ang natitira saakin.

"10 seconds.. you'll never gonna find it! So please look forward to our penalty for you!"

Napa-iling ako at naiiyak na hindi magkaugaga sa pag-haplos ng pader. Ayoko! Ayoko pa mamatay dito!

Hindi mo 'ko pwede patayin! Hindi ako papayag na dito lang ako mamatay! Hindi dito! Hindi sa mga kamay mo!

Desperado ang bawat haplos ko sa pader na madadaanan ng likod 'ko, 'di pwede na ganituhin ako ni Priuva!

"Well. Sorry not sorry but your time is out now! And since you're the first person to taste and face our penalty! What a lucky person you are!"

"No! You can't do that! Prio said there's a time of each task! So why! Why... Wh-why it is so different.."
Nasu-suffocate na wika 'ko, bakit..

Napakaunting oras lang ang itinaang saakin! Hindi rin bumukas ang ilaw kaya't mas lalong akong nahirapan.

"Oh honey.. I think you've forgotten something. Each room had a different task to do. We planned this from the beginning.. And since you entered the last room.. I guess you are so special!"

Umiling-iling ako, kahit na madilim at wala akong makita ay sigurado naman ako na kitang-kita n'ya ako.

"You never said such a thing!"Asik 'ko, nagbabakasali na baka magbago pa ang isip n'ya sa pamamagitan ng pagrereklamo.

Napapanic ang mga organs 'ko at hindi alam kung saan ililingon ang ulo, ni hindi ko nga sure kung nagalaw pa nga dahil nananakit narin ang ulo sa dilim ng paligid simula ng pumasok ako.

This is so unfair! Pati ba naman dito ay may bias!

"Darling.. you may enter and do the thing that assigned to you."

Nanlalaki ang mata na naging alerto ako kung saka-sakali na may humawak saakin, halos sumabog ang puso 'ko sa kaba ng may marinig na mahihinang yapak mula sa gilid.

Mabibigat ang hakbang kaya alam ko na malaking tao ito.

Papalapit ang yapak nito base sa palakas ng palakas ang yabag nito sa pwesto 'ko, dahan-dahan akong gumalaw paatras, hinihinaan ko rin ang paghinga at nakikiramdam.

"Ohh! Is this some kind of game that you like you play? Hide 'n seek, I see.. I see.. this is entertaining."

Nahihilo akong umiling at bawat atras ko ay syang pagkapa sa pader, kung mapindot ko ang button ay baka sakali na tumigil na ang kagaguhan ni Priuva. Tuwang-tuwa pa ang gaga sa pinaggagawa saakin.

Baka isang palaro lang din ito ni Priuva para mas masaya para sa kanya, kaya may pag-asa pa ako kapag napindot ko kagad ang button na hindi pa nahahawakan ng kung sino man ang humahakhang papalapit saakin.

Bawat hakbang nito ay syang hakbang din na ginagawa 'ko, para iisang tunog lang ng yapak ang maririnig at kung maaari ay hindi n'ya malaman ang eksaktong kinalalagyan 'ko. Yun ay kung wala itong night vision na salamin or so whatever.

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now