Pleasure : Origin 9

47 2 0
                                    

🖇️"The side of me is revealed?"🖇️






Bakit?

Bakit ang likot n'ya? Hindi ko alam.

Nasasarapan ba s'ya? Hindi ko alam.

Gusto pa ba n'ya? Hindi ko alam.

Ang dilim, bakit?

Nagugutom ako, bakit?

Inalis ko ang paningin ko sa kanya at muli'ng yumuko sa harapan ko na lamesa na may nakapatong na plato at baso, pumaling ang aking ulo at pinanood ang mga langaw na nagliliparan sa aking pagkain.

Ang ingay nila.

Ang sakit sa tainga.

Pinasok ko ang hinliliit na daliri ko sa akin'g tainga at kinalkal ang bukana ng aking tainga pero bakit ang kati? Pinasok ko pa hanggang sa loob ng aking tainga ang daliri ko at madiin na kinamot ang loob.

Ang sarap kamutin, bakit?

Kinamot ko ng kinamot ang aking tainga naramdaman ko na rin ang malapot na likido sa daliri ko mula sa loob ng aking tainga.

Sumasabay din sa bilis ng pagkamot ko sa aking tainga ang mga langaw na patuloy parin sa pag-lipad, pag-ingay nito at ang kanya'ng pag-galaw.

Ang kati, Ang kati kati.

Binaba ko ang kamay ko at dali-daling kinuha ang kutsara at ang hawakan nito ang pinasok sa aking tainga at pinang-kinudkod sa loob.

Tumutulo na sa lamesa ang dugo na nanggagaling sa aking tainga pababa sa siko.

Ang lapot, bakit?

Kasabay ng pag-tigil nya sa kanyang pag-galaw ay ang pagbaba ko sa kutsara na hawak.

Ang sarap kamutin, bakit?

Makirot pero masarap, bakit?

Deretso ang akin'g tingin. Walang emosyon at panandaliang tumulala sa pader ng aking bahay.

Madalim.

Masikip.

Madaming langaw.

Bahay pa ba ito, hindi ko alam.

Nalipat ang tingin ko sa babae na nakaupo sa harapan ng aking lamesa.

Bakit hindi s'ya gumagalaw?

Bakit hindi s'ya sumisigaw?

"Yesha, are you still alive?"Puno ng panlalambing ang akin'g himig.

Hinintay ko ang kanya'ng pagsagot, pero maski pag-tango o pag-galaw ay hindi ko nakita.

Bakit ayaw n'ya magsalita?

Naiirita ako, kinakausap s'ya dapat ay marunong sya'ng sumagot.

Tumayo ako at naglakad palapit sa pwesto n'ya, lupaypay ang ulo at ladlad ang magagandang buhok, suot n'ya ay ang paborito'ng white T-shirt at floral long skirt.

Naka-upo s'ya at kahit na nakalapit na ako sa pwesto nya ay hindi parin sya gumagalaw.

Bakit? Bakit? BAKIT?

Dapat gumagalaw pa sya.

Hinawakan ko ang kanya'ng balikat at marahan inalog, pero hindi pa rin sya gumagalaw.

Nakagat ko ang akin'g kuko sa hinlalaki ko at pabalik-balik na naglakad sa harapan nya, malikot ang aking mata at kung saan saan dumadapo, madilim man ay kita ko parin dahil nasanay na ako.

Hindi ko pinansin ang mga langaw at bangaw na nagpapaikot-ikot sa aking ulo, nararamdaman ko pa ang pagpasok ng iba sa aking tainga.

Patay na kaya sya?

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now