Accused : Origin 14

9 1 0
                                    

🖇️"The deeper you dig, the darker it gets. —Anony.🖇️





"Grabe nangyari sa magjowa 'no, napakawalanghiya talaga ng gumawa,"

"Kaya nga 'e, parang pinatapos lang yung kasalan sa booth tsaka sila pinatay."

"Akal ko nga kahapon masaya na matatapos iyong araw, yun pala may pa-surprise din satin yung killer."

"Wala talagang pinipili na araw, tapos parang random lang din yung pinapatay nya,"

"Panong random, 'e halos taga ABM yung nadededz,"

"Hindi kaya ay may galit sa kanila yon?"

"Ito pa ah, nasa iisang sec/room lang sila."

Mga usapan na narinig ko sa grupo ng studyante ang nadaanan ko paakyat sa 4th floor ng bldg. namin, hindi ko nalang pinansin dahil antok na antok na pa 'ko at walang gana na kuminig pa sa usapan nila.

Napahikab ako at umunat, walang mga teachers na pumasok dahil sa kaguluhan kahapon, Lunes na lunes daw ay may trahedya na namang nangyari, at iyon kahapon ay muling binalita at kaunti nalang ay tuluyan ng ipapasara ang Paaralan kapag hindi pa nahuhuli ang salarin.

Syempre hindi ako papayag, first I need to kill what I want to kill inside the school, but maybe it will be happier to have it closed for good, so that when I get bored at home I can go out and find someone to kill in a nearby place.

I don't want to hang out at tanda's house either, and I might be tempted to collect and fill up the house with various parts of the human body.

Napatingin ako sa first row, kung saan nagtambakan ang mga kaklase ko para magkwentuhan, they mentioned my name so I excitedly waited to hear what they were talking about me.

"Pansin n'yo ba si Priuva na hindi man lang natatakot o kahit panic dahil sa nangyayari?"Sulyap sakin ni Rilia, kaharap nya ang dalawa na si Lanina at Thalis. best trio daw sila.

Bumulong si Lanin, na hindi ko alam kung bulong ba talaga dahil kahit nasa last row ako ay rinig ko parin.

"Suspicious talaga sya girl, like kapag may patayan na nangyayari ay wala sya tapos susulpot nalang kung saan,"Umiwas ito ng tingin at napahawak sa braso.

Mas lumapit si Thalis sa dalawa,
"Right, napapansin ko din yon, kahinala-hinala talaga."

Natatakot na tumingin si Rilia sa kaharap nya,"Shh! Nakatingin sya satin,"

Namutla ang dalawang babae kaya umiwas na ako ng tingin, that's good. Yes, that's really really good. suspect me more, I want to play with the three of you, a children's game, hide and kill, you will hide and I will chase to kill you.

At sa mga ganitong laro ay kailangan ko ng tulong ni Clion. Clion is rich and reliable, my servant and always obeys my orders, especially now that I myself will ask for help that is sure to be more pompous and planned.

Nagdikit pa sila lalo kaya umiwas na ako ng tingin, napahawak ako sa labi at nagisip ng gagawin ko sa kanila sa oras na makapaglaro kami, I'm so excited that my heart will be burst in no time. Kailangan ko muna magtiis, kailangan ay maging maayos at masaya ang magiging laro namin.

Sa ngayon ay kailangan ko muna na patayin at makipag-laro kay Lhina, ang babae na gustong-gusto ko ang palad, hindi naman ata masama kung una kong mailagay sa collection ay ang palad nya, sya ang kauna-unahan na humawak sa kamay ko at hanggang ngayon ay naiirita parin ako.

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Kde žijí příběhy. Začni objevovat