Lasa : Origin 1

161 3 0
                                    

            🖇️" Don't be afraid" 🖇️






Ang itim ng kuko 'ko, dahil ba sa cuticle o dahil sa mga dumi na nasa ilalim ng kuko na matagal ng nagtatago?

Wala rin naman akong balak na mag-linis kung hindi ko lang nakita ang pang-kutkot.

Kinutkot ko ito gamit ang toothpick na nakuha ko sa lapag at pag may nakukuha na dumi ay agad ko'ng pinupunas sa uniform na suot ko.

"Ay sorry."

"Yari ka! Hala nagdugo yung kuko mo Priuva!"

Nabaling ang tingin ko sa gilid kung saan nakatayo ang mag-kaibigan, halatang naghaharutan na naman sila dito sa loob ng room na hindi naman na bago.

Lumapit sakin ang isa at agad na hinawakan ang kamay ko na may dugo na nang-galing sa daliri ko na nasundot ng toothpick, kinuha nya ang panyo na nasa bulsa ng kanya'ng palda at agad ito'ng inikot sa daliri ko.

Tumitig ako sa mukha nya at kahit na puno ito ng pag-aalala ay mababakas parin ang pagka-matapang na mukha, ang alam ko ay tomboy ito.

Mula sa gilid ng mata ko napansin ko ang pag-irap ng lalaki na kasama nya, umupo ito sa mesa at hinintay na matapos ang kaibigan nya sa pag-takip at pagpunas ng dugo mula sa akin'g kamay.

"Pasensya na talaga, Priuva."

Ngumiti ako at umiling, bago kinuha ang aking kamay na hawak n'ya.

"Okay lang, hindi naman masakit."
Kahit na makirot ang daliri ay ngumiti pa rin ako.

Tumitig sya ng matagal sakin na parang tinitimbang ang emosyon ko.

Lumapit sya sa kaibigan at agad ito'ng hinila at pina-yuko sa harap ko.

"Say sorry Brimo, ikaw nakasakit."

Tinitigan ko ang mukha ng kaibigan nya na halata ang disgusto sakin pero sinunod din ang utos ng kaibigan nya.

May itsura.

Masarap?

Masarap s'ya?

S'ya unahin ko? Bakit?

Bakit? Bakit?

Dahil masarap s'ya.

"Nag-sorry na 'ko ah, tsk sorry."

Matapos n'ya sabihin iyon ay agad sya'ng lumakad palayo hatak hatak ang kaibigan nya pero bago s'ya makalayo ay narinig ko pa ang sinabi nya sa kaibigan.

"Hindi mo dapat nilalapitan 'yon, ang weird kaya n'ya."Lumingon pa ito panandalian sa pwesto ko, tumaas pa ang balikat nya at napa-haplos sa balikat na parang natatakot sakin.

Napa-iling ako at ngumiti, dinama ko ang kamay ko kung saan s'ya banda humawak.

Ang lambot ng palad n'ya,

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now