Together : Origin 35

8 2 0
                                    




Natigil ako at agad napatayo ng matanaw 'ko si Asul, may kaunting talsik na dugo ang damit nya pero mukhang maayos naman sya.

Kwinento n'ya ang mga nangyari sa kanya sa loob ng maze at tulad 'ko ay nahirapan din s'ya magdedisyon kung aalis sa pwesto n'ya o hindi. Tungkol naman sa dugo na nasa damit n'ya, nasugatan s'ya noong pinilit n'ya na umakyat at pumatong sa mga patalim pero ending ay nagkasugat s'ya.

Habang nagkwekwento s'ya ay ang pagdating naman ng iba, kanya-kanya silang kwento pero ang karamihan sa iba ay nanginginig parin at parang pinangunahan na nang takot at nagkaroon na ng trauma.

At halos magwala sila at magsumiksik sa dulo ng sabihan namin sila na mga ilang minuto ay lalabas kami para hanapin ang exit.

Nanginginig na umiling si Rilia,
"N-no I..i don't want to go outside! please dito nalang tayo! Mas..mas ligtas tayo kapag nandito tayo sa loob!"

Balisang sumangayon naman si Thalis,"That's ri-right! Tapos wala pa tayo nagagawang plano?! Ano na ang mangyayari satin pag lumabas tayo sa stage na ito!"

Halo-halo ang emosyon na bumabalot sa apat na sulok ng stage na ito, lahat ay may kanya-kanyang opinyon at halos hindi na magkaintindihan.

"Makasarili kayo! Alam naman ninyo na may kasama pa kami sa loob na naiwan pero.. pero ayaw n'yo na maghintay!"

"Ikaw! Ikaw ang makasarili sa atin, may kanya-kanya tayong buhay at gusto natin na makaligtas! Kung ayaw mo na maka-survive ay hindi na namin kasalanan kapag may nangyari sayo-sainyo!"

"Nasasabi mo iyan kasi mas malakas ka! Mas kaya mo kasi nga lalaki ka! Gago!"

"Wala ka kasing konsensya! Akala mo ba na kapag dumito tayo ay lalo tayong maliligtas? Maliligtas ba tayo ng sinasabi mo na naiwan sa loob ng maze? Hah?! Hindi ba't hindi?!"

Nagkagulo na sila at hindi alam kung saan papanig, sa kasama ba ni Zyiea, sure ako na kaibigan nya itong lalaki na 'to, o kay Lanina. Masyadong nagkakainitan at kaunti nalang ay magpapang-abot na ang dalawa.

"Wala kabang balak na awatin ang dalawa?"Sinanggi ni Asul ang braso 'ko at tumabi sa 'kin.

Kung hindi pa s'ya magsasalita ay pinugarado na hindi 'ko s'ya mapapansin.

Umiling ako,"Nope. Let them handle themselves, they're grown-up now, alam na nila ang tama sa mali, at ang makakabuti at makakasama sa lahat."

Hindi na sila bata pa para pagsibahan at suwayin, alam nila ang ginagawa nila at alam nila ang sitwasyon kung saan kailan magiging magkakasundo at sasang-ayon sa bawat opinyon ng isa't-isa.

Tiningnan ang kakaunting tao na nasa harap 'ko na hindi magkasund,"And I don't have plan to stop them, basta wag lang sumobra at umabot na sila sa sakitan."

Kailangan nila maglabas ng sama ng loob, hinanakit at ano pa. Kung hindi ay baka madala nila ito sa susunod na kahaharapin namin at baka hindi nila makaya.

Mentally and physically drained na sila kaya dapat na habang may oras pa, mas maganda na ilabas na muna nila ang mga kumukulob na emosyon sa kaloob-looban nila.

Kusa silang mapapagod, kusa silang bibigay at tatanggapin na nandito talaga kami sa delikadong pangyayari sa buhay namin, nandito kami sa hindi alam na lugar at tinataya ang buong buhay para makalabas.

Ito palang ang kinaharap namin pero grabe na ang panic, takot na bumalot sa amin.

Nangawit na ang likod 'ko pero hindi parin sila matapos.

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now