Footage : Origin 37

Start from the beginning
                                    

"Yes, pero mamaya na tayo magusap, kailangan na muna natin na umalis dito!"

Natunguan sila sa isa't-isa na parang nagsang-ayunan. Aww... Nakaka-touch na kilala parin nila ako. Nag-transfer ako noong 2nd sem, buti nalang at tinanggap ako dahil kakilala ni Tanda, o para mas specific ay kapatid nya ito.

Even though I was surprised by what he said when he informed me about that, I even asked him why he is not rich and owns a school like his brother.. ang sagot n'ya lang ay isa sa napakawalang kwenta na narinig 'ko.

Akala 'ko ay hindi alam ng kapatid nya which is prinsipal 'ko na may ginagawa s'ya na illegal, pero ang sagot n'ya ay ang nagpagimbal saakin.

"That's what you thought, My brother is more cruel than me."
Humalkhak ito na halos mamatay na kaka-ubo."he has a hidden ground and inventory where his collections are kept. He made his wife and child an ornament on the big Christmas tree."

Meaning; it is in the blood to be fond of collecting, killing and playing with their target. At dahil naging isa narin ako sa pamilya nila, hindi man sa dugo pero sa paraan ng pamumuhay ay naging magka-isa kami.

Nalingat lang ako sandali dahil sa naalala ay mukhang nakagawa na sila ng paraan para makalabas.

"Dadaanan natin yung dinaanan 'ko at sa kabila tayo dadaan, sure na akong tamang daan na iyon."

"Sige sige.. buti nalang talaga at nakita mo ako, feel 'ko kasi ay hindi 'ko kakayanin mag-isa."

"Ate.. kita mong kaunti nalang at maiipit na tayo sa pader pero ikaw walang balak gumalaw, baliw kaba!"

Papalapit na at kaunti nalang ang agwat pero kasya pa naman ang isang tao. Francine led the way while Lyka following her.

"Do you think Thalis got out of the maze?"Biglaang tanong ni Lyka.

"Sure 'yan ateko! Kaya dapat ay makalabas din tayo dito!"

Rinig ang boses 'ko na nag-c-count down na umabot na sa 5 kaya lalong bumilis ang lakad ng dalawa pero..

"What a surprise attack."Anas 'ko at pinanood ang biglaang pagbilis ng pagsarado ng pader kung nasaan sila Lyka at Francine maski ang nasa unahan nila.

"Hala! Gagi bilisan natin!"

Sa liit ng awang ay isang tao nalang ang pwedeng makalabas at tuluyan na itong magsasara, nagtinginan ang dalawa at napuno ng pangamba at takot at nagmamadaling tumakbo palapit sa awang na lagusan.

"Ako na muna ang lalabas Lyka tutal ay mas payat naman ako sayo!"

"No! Edi dapat ay ako ang mauuna tutal ay mapayat ka kaya dapat lang na mahuli ka dahil pwede ka pa na makalabas!"

Habang tumatakbo ay nagtutulakan sila na ikinatuwa 'ko, tama 'yan. Buti nalang at kahit hindi live ay masaya parin panoorin, kahit na alam 'ko na ang nakalabas.

This is where there was betrayal, selfishness and lack of trust in each other, instead of working together, they were led who really should be first, so that's why, the gap got smaller and the chance of both of them getting out got smaller. Sinayang nila ang kakaunting panahon na mayroon sila.

"Bitch! Sinabi 'ko na kasing ako 'e, mas mapayat nga ako kaya dapat na ako ang mauna at mas mayroon akong pakinabang kesa sayo!"

Nagtitigan sila ng masama at muling nagbungangaan. Kapag hahatakin ni Lyka si Francine para mauna ay ganon din ang ginagawa ni Francine kaya walang nauuna at nahuhuli sa kanila dahil palitan sila ng pwesto kada saglit na magpapalit sila.

Give Me More Pleasure (I Want To Play) (COMPLETE)Where stories live. Discover now