She stopped. Napagod na siguro. "Kumain ka na ba?" She asked me. Wow! Tamang tama gutom narin ako. Hindi na kasi ako kumain sa bahay dahil nagmamadali akong pumunta dito. Naks! Makakatikim na ulit ng hindi fast food!

"Hindi pa beh gutom na nga ako eh, bakit?" Tinapik niya ako ng malakas sa sikmura at tinapakan yung paa ko.

"Aray! Ahhhg! Really feisty beh I love it" Nakawala siya at umakyat sa taas. Napakapit ako sa sikmura at paa ko ang sakit!.

"May pagkain sa table, kumain ka kung gusto mo" sabi niya at sinara yung pinto sa kwarto niya.

Paika-ika tuloy akong pumunta sa mesa. Fried eggs at tocino yung ulam. Buti nalang meron pang-fried rice na may corn at veggies. Na-miss ko na yung luto niya sa labas nalang kasi ako lagi kumakain. Kapag binigyan niya talaga ako ng isa pang chance lahat ng utos niyang kainin ko kakainin ko talaga. Gulay man yan o kahit ampalaya shake pa. Iniiwasan ko kasi yung mga utos niya, pero nung hindi na siya nagsasabi at hindi na ako sinasaway na-mimiss ko.

Hinugasan ko lahat ng dapat hugasan sa kusina, inabala ko si Dianne, hindi na siya lumabas ng kwarto. Napansin kong bukas yung pinto papunta ng laundry, may basket sa baba kaya baka kinukuha na niya yung mga damit na natuyo na.

Hindi ko siya tatantanan! Bwahahaha

Tinuloy ko yung pagkuha, at sinadya kong kunin talaga lahat ng sabay sabay para wala na akong babalikan baka kasi maisara nanaman niya yung pinto.

"Beh?" I knocked. "Beh natiklop ko na yung mga damit niyo ni Avie, ilalagay ko lang sa lalagyan" sabi ko.

"Ilagay mo nalang jan" sabi niya na hindi parin binubuksan yung pinto. Naniniguro ah

"Beh mabigat, open the door please?" She has to open the door. Mawawalan nako ng excuse para makapasok sa kwarto if this doesn't work.

She opened the door.

Binuhat ko yung mga natiklop ko nang damit sa closet niya. Nilagay ko rin nga damit ni Avie.

"Hindi moko pinigilan na tawagin kang 'beh' ulit" nakangiti ako.

"Kapag ba pinigilan kita, titigil ka?" She asked me.

"Hindi" I smiled at her.

"Sige na, lumayas ka na jan, baka magising pa si Jayjay." sabi niya.

"Beh may gusto ka pa bang ipagawa? Baka may ipag-uutos ka pa" I asked her.

"Hindi ko kailangan ng katulong" sabi niya.

"Beh water? Gusto mo?" Tinaas niya yung baso niya ng tubig sa sidetable.

Napalingon ako when ice fell from her AC unit. Normal lang yon kapag marumi na yung filter at hindi na maayos na nakakahigop ng hangin. Yung refrigerant nalang yung mas mataas kaya nagyeyelo na yung mositure na na-sstuck sa evaporator coil or yung pinong mga bakal sa likod ng removable filter. Thank God I'm an engineer! Parang kahit langit ngayon tumutulong na mabawi ko sina Dianne.

"Beh, I'll fix that, buhayin mo nalang muna yung fan para hindi kayo mainitan ni Jayjay." Na ako rin naman ang gumawa, hindi ko na siya pinabangon sa bed katabi ni Jayjay. "Manood ka nalang pala ng tv" sabi ko sa kanya. Baka mapagod pa siyang manood ng tv ako nalang manoonood para sa kanya hehehe, sana pati yung tv masira para makakabalik pako.

I removed the front casing at makapal na pala yung yelo sa aircon. Dapat sa ganito nilalabas na at nililinis. Ayaw ni Avie ng naiinitan kaya siguro pumapayag si Dianne na hindi na pinapatay yung aircon. Lalo pa dahil hindi na lumalabas si Avie ng kwarto niya.

Inalis ko yung aircon sa pagkaka-install at nilabas ko sa garahe. I pulled out my phone. I called the manager para sa isang line ko ng negosyo para sa manufacturing ng airconditioners. Nagpadeliver ako ng unit na kapareho nung nasa room ni Dianne.

I continued washing the AC unit. Bago pa naman yung AC unit ni Dianne, na-over work lang dahil hindi nalilinisan at sumabak sa non-stop use ni Avie. Kailangan lang naman ng malakas na pressure ng tubig para maalis yung mga dumi sa evaporator coil. Ready to use at good at new na yung pagkakalinis ko.

Binalik ko agad dahil susunduin ko pa si Avie at hindi rin naman pwedeng mainitan si Dianne at si Jayjay.

Naliligo na si Dianne pagbalik ko at nasa crib si Jayjay. May damit ko sa kama. Alam siguro ni Dianne na madudumihan ako.

At totoo naman, ang dungis tingnan ng polo at slacks ko. Nagpalit ako agad ng damit. Buti nalang may natira pa akong damit dito noong dito kami nila Avie saglit.

Hindi na bagay na nakablack shoes pako kaya nag-tsinelas nalang ako.

"Beh?" I knocked at the bathroom. "Beh susunduin ko lang si Avie" pag-papaalam ko.

"Sige, bili ka pala ng juice ni Avie, saka icecream niya, cheese ha?" sabi niya. Good mood siya tuwing naliligo.

"Ok" napangiti ako. Good shot na kasi ako.

"Bye bye baby, susunduin ko lang si Ate Avie" I kissed Jayjay.

Nagmamadali ako pagpunta sa classroom ni Avie. Hindi pako napansin ni Avie dahil siguro hindi ako nakapangoffice.

"Baby!" I called her. Saka lang lumapit si Avie. Hindi niya parin ako kinakausap. I opened the car's door fo her at saka ko nilagay ulit sa backseat yung gamit niya.

Dahil utos ng maganda kong boss na bumli ng icecream at juice ni Avie. Dumaan kami sa grocery ni Avie. Dati gustong gusto ni Avie na nakasakay sa cart habang nago-grocery kami. Ngayon she just walks beside me at naglalagay sa cart ng kung ano mang gusto niya.

Hindi umimik si Avie kahit minsan habang kasama ko siya.

Na-mimiss ko na yung boses ng baby ko. Kahit pa puro 'I hate you daddy' basta marinig ko lang siya ulit magsalita ok lang.

Avie pointed sa direction ng mga accessories. She wanted to go there.

"Sige baby" sumunod ako kay Avie. Puro sets ng bracelets yung nakadisplay na tinitingan ni Avie.

She took her Ipad. "Mommy likes that ----->" tinapat ni Avie yung arrow sa isa sa mga bracelets.

"How did you know baby?" I asked her. It's not like Dianne na hindi binibili yung gusto niya no matter how expensive pa yung bagay na yun.

"Said it was pretty" nakasulat sa Ipad ni Avie.

"Bakit daw hindi binili ni mommy?" What happened to Dianne?

"No work. Money -> study baby" Nakasulat sa Ipad ni Avie. Napamura ako. She's starting to sacrifice things para sa mga bata.

"We'll buy it baby, gawin mong gift kay mommy" o di kaya itapon mo pa yung ilang dosena niyan, i-flush mo sa toilet o di kaya gawing pangsabit sa gate para maganda. I can feed her mommy with diamonds like cereals using a platinum spoon. Luma na kasi yung golden spoon mas mahal kapag platinum.

Dianne returned all the credit cards I gave her to me. Binalik niya rin yung mga alahas, yung bagong kotse at iba pang binigay ko. Walang ni-isang kusing na tinago niya. Kahit noong mag-asawa pa kami, hindi niya ginalaw yung pera para gamitin niya.

Hindi pwedeng ganito. Ibabalik ko sila sa bahay sa ayaw at sa gusto nila. Kung hindi naman, yung bahay yung dadalhin ko sa kanila.

Pera ang dahilan kaya nawasak kami, dapat pera din ang gumawa ng paraan para mabuo kami ulit

My Genetically Modified LoveМесто, где живут истории. Откройте их для себя