Chapter 35: Hit and Miss

0 0 0
                                    

CHAPTER THIRTY-FIVE

-Zilthea-

"SOMEONE IS outside. Can you check who it is, Zilthea?" Utos ni Mommy sa akin nang tumunog ang doorbell, hudyat na may tao sa labas.

Agad akong tumalima at binuksan ang pintuan ng bahay namin para tignan ang tao. Nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa 'kin ang malaking ngiti ni Jax Bryle na para bang nahulaang ako ang bubungad sa kaniya!

0.0?!

"What are you doing here, jerk?" I almost forgot they own this subdivision where we live. Ngayon lang siya nagpakita nang ganito buhat nang malaman ko 'yon.

"Isha-share ko sana sa inyo 'yung ginawa ni Mama na cake, hehe. Nandiyan ba si tita?"

"Tita? You mean my mom?!" The nerve of this guy! Pinayagan ko ba siyang tawaging tita ang mommy ko?!

"Umalis ka na rito dahil wala siya. Just come back..." Napaisip ako bigla. "No. Don't you ever come back here because I dont want to see you. Clear?!"

"Teka naman. Inutusan kasi ako ni Mama-"

"I don't care, okay? Ayokong makita ka at h'wag ka na talagang bumalik dito. Tsupi."

"Who's that, anak? Bakit ang tagal mong papasukin ang bisita?" Nagulat ako sa boses ni Mom.

Dahil sa taranta ay agad kong naisara ang pintuan. "Uhm. Nothing, mom. Si dad ang hanap niya, e. Hehe."

"You sure? Let me check."

"I swear, mom. He's nothing..." Napapikit ako nang buksan niya nang tuluyan ang pintuan. Bumungad na naman ang malaking ngiti ng bwisit na tukmol!

God. Manggugulo na naman ang lalaking 'to, e!

"Hi, tita!" Sobrang sigla pa ng boses ng bwisit. Sinamaan ko siya ng tingin pero mas nilakihan niya lang ang ngiti niya.

v-.-v

"Oh. Jax Bryle, right?"

"You know him, mom?" Gulat na tanong ko. How did she know him? Do they know each other? Darn!

Nilingon ako ni Mommy at nginitian. "Of course. He's the son of my bestfriend in high school. Pero ngayon nakakasama ko ang Mommy niya sa cookery class I'm attending every weekend. That's great, right?"

No. It's not great.

"Wait. Do you also know each other?"

"Yes, tita. We're good friends and seatmates at school. Daughter mo pala siya, 'no? No wonder you're both gorgeous."

Natawa si Mommy at napalo nang mahina si Bryle. "Ikaw talaga oh. Binibiro mo pa 'ko nang ganiyan! Alam naman namin 'yan, ano!" Para siyang kinikilig pero ako sumimangot lang dahil nang-uuto lang naman ang lalaking 'yan na hindi ko alam na may koneksyon pala sa Mommy ko. Nakakainis talaga.

"Ay. By the way, tita. Mama told me to give this to you as a present for helping her bake her first recipe. She wants to share this with you para raw i-judge mo kung okay 'yung nagawa niya. Ikaw ang idol food critic niya." Muling banat ng bwisit na lalaki na inilahad ang isang box na hawak niya.

"Oh, hahaha!" Na-touch si mom at kinuha 'yon. "Ang thoughtful talaga ni Sherry, ano? Thank you for this and tell her I'll enjoy it for the rest of my life."

"Sure, tita. Sabi pa nga ni Mama if may time ka p'wede kang bumisita sa bahay para maturuan mo pa siya ng mga alam mong skills. Wala rin kasi siya masyadong ginagawa sa bahay."

"That's a good idea, huh? Sabihin mo sa kaniya dadalawin ko siya sa susunod," ngiti ni Mommy. "Anyway, have you eaten dinner already? Dito ka na kumain."

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now