Chapter 15: Dinner

1 0 0
                                    

CHAPTER FIFTEEN

-Jade-

"ZILTHEA, JADE? Are you two done with your jobs inside?"

Nahinto kami sa ginagawa naming dalawa ni Zilthea nang marinig namin ang boses ng kaniyang Mommy pati na rin ang malakas na pagkatok nito sa pintuan ng kaniyang study room na parte rin ng loob ng kwarto niya.

"We're almost done, Mom! Bakit po?!" Tugon ni Zilthea habang nakataas ang ballpen na hawak dahil kasalukuyan siyang nagsasagot ng binigay kong short quiz sa kaniya.

Syempre kanina ko pa siya tinuturuan dito at 'yong tinuro ko sa kaniya ay tungkol sa functions dahil 'yun ang topic namin ngayon sa math. Halos limang oras na rin kaming nandito at nag-aaral. Nagbigay lang ako ng maikling quiz para malaman ko kung talaga bang nakinig siya sa limang oras na pagdaldal ko sa harapan niya. Mukhang nakikinig naman siya kanina sa 'kin, pero gusto ko pa ring makasiguro kaya binigyan ko siya ng quiz. Hindi naman 'yon masyadong mahirap kasi ayaw ko siyang biglain.

Nag-text na rin ako kanina kay Nanay na mamaya pa 'ko makakauwi. Nakita ko kasi sa bintana ng kwartong 'to na madilim na 'yung langit dahil nga kanina pa kami nandito't nag-aaral. Sabi naman ni Nanay sa 'kin okay lang daw kaya naman sumaya ako, hehe. Pero ayaw ko pa ring sobrang magpagabi kasi baka abutan na talaga 'ko ng holdaper sa daan.

"The dinner is already prepared. Can't you make that fast, anak?" Sagot naman ni Tita at minsan pang kumatok.

"Okay, Mommy! We'll be there!"

"May mga bisita tayo sa baba. Baka maghintay pa sila."

"Sige po. Matatapos na rin kami. Don't worry."

"Fine. We'll just wait you two downstairs." Ilang sandali pa ay narinig namin ang pagsara ng pintuan ng kaniyang kwarto sa labas hudyat na nakalabas na si Tita.

"Ayos na siguro 'yan, Thea. Iche-check ko na lang mamaya."

Binigay niya sa 'kin 'yung notebook ko na ginawa niyang questioner. "I'm done naman na, e. Sana wala akong mali, hihi."

Tinago ko na lahat ng gamit ko sa bag at isinara ang zipper no'n. "Mata-tama mo 'yan. Nakinig ka naman kanina sa 'kin kanina, e." Nakangiting saad ko habang tumatayo dahil kanina pa kami nakaupo sa sahig.

"Hindi rin ah. 'Kala mo lang 'yon but the truth is I just understood some and not all of those systems and equations. I'm too slow to pick up lessons and topics that's why I'm amazed you're good at mathematics. 'Buti nga nasasaulo mo lahat ng tinuturo ni Miss, e. Ako hirap na hirap pa." Tumayo rin siya at isinuot ang kaniyang tsinelas na Hello Kitty ang design. Ang cute lang.

Natawa ako konti, nahihiya. "Hindi rin kaya. Hirap nga ako sa chemistry, e."

"Duh? Major subject din kaya ang math. And all of my relatives are great at that subject. Ako na lang ang hindi. What the heck, right? Dati naman ang galing ko ro'n, e."

"Okay lang 'yan. Maganda ka pa rin naman."

"I know right!" Malakas niyang sigaw at natatawang tinapik ang braso ko. "Ay wait, Jade. Are you going home already?"

"Mm. Hinahanap na kasi ako ni Nanay panigurado. Nag-text ako sa kaniya kanina na gagabihin ako pero ayoko pa ring magpagabi ng uwi."

"Why don't you join us in dinner first? I'm sure you're quite hungry now. Kanina pa kaya nagbigay si mom ng snacks sa 'tin."

Umiling ako. "Hindi naman masyado. P'wede naman akong kumain na lang do'n sa bahay. Baka kasi hanapin na talaga 'ko ni Nanay."

"Don't be shy, girl. Sasabay ka lang naman sa 'ming mag-dinner, e. Just tell your mom na kumain ka na rito para 'di na siya mag-worry. Please?"

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now