Chapter 27: Girl in the Rain

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-SEVEN

-Jade-

"GUMISING KA na, bunso! Anong oras na oh!"

Nagising ang diwa ko nang maramdamang may humahampas sa 'kin na kung anong malambot na bagay na sinabayan pa ng malakas na sigaw ng kapatid ko. Nambubulahaw na naman siya gusto niyang sirain ang magandang pagtulog ko.

"Bunso, gising na sabi! Lasing ka ba, ha?! 'Di ka naman lasing! Bumangon ka na!" Muling sigaw ng maingay kong kuya at naramdaman ko ulit na hinahampas niya ng unan ang binti ko.

"Mamaya na 'ko babangon. Maaga pa!" Inis kong singhal dahil masakit ang pagpalo niya. Kahit malambot 'yung unan masakit pa rin 'yon 'pag nilakasan ang paghampas.

Mas napakamot pa 'ko sa ulo ko kasi hindi talaga 'ko tinigilan ng magaling kong kapatid dahil tuloy-tuloy lang siya sa paghampas ng unan na parang iniinis talaga ako!

Hinampas niya 'ko ng unan nang sobrang lakas sa mukha. "Gising na, bunso! Gising na, bunso!" Pakantang sigaw niya pa at imbes na matuwa ro'n ay nainis ako lalo dahil ang sakit talaga ng ginagawa niya!

"Kuya naman, e! Sinabing mamaya pa 'ko babangon! Ba't ba ang kulit mo, ha?!" Dahil sa sobrang inis ay napabangon ako nang wala sa oras at napakamot sa ulo.

Sinamaan ko ng tingin si Kuya na kunot-noong nakatingin sa 'kin habang may hawak pang dalawang unang pinanghampas niya sa 'kin kanina. Mas pinanlisikan ko siya ng tingin pero hindi naman siya nasindak do'n dahil nilabanan niya ang tingin ko.

Binato ko siya ng isa kong unan pero nakaiwas naman siya. "Ano ba kasing problema mo, ha? Ba't ba nanggigising ka diyan e maaga pa?!"

Suminghal siya't binato sa kama ko ang unang hawak niya. "Anong maaga ka diyan? Neknek mo! Anong oras na kaya! Palibhasa masarap ang tulog mo kasi lasing ka! Ano? Masarap maglasing, 'no? Masarap talaga kaya mala-late ka na sa pasok mo! Bahala na si Batman sa'yo dahil kami walang pasok!" Tuloy-tuloy na sigaw niya at lumabas ng kwarto ko.

Napatulala ako sa sahig at napalunok dahil naalala kong lasing pala ako kagabi kaya mabilis akong nakatulog at mahaba ang pahinga ko. Hindi ko alam kung anong oras na pero bakit hindi ko namalayan 'yon?

Tumayo ako't nagsuot ng tsinelas at medyo sumakit pa ang ulo ko na marahil ay dala ng pagkalasing ko kagabi. Natatandaan ko pa nga 'yung mga nangyari sa 'kin. Akala ko pa naman hindi na 'ko lasing sa gano'ng sitwasyon kagabi tapos mali pala. Kaya gano'n na lang kung magalit si Kuya, e.

Tinignan ko ang cellphone ko at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita sa screen na alas-nuebe na ng umaga! At ibig sabihin lang no'n na late na 'ko dahil sa mga oras na 'to ay nagtuturo na rin ang second teacher namin.

Kamasalasan Count : 1

v=_=v

Binuksan ko ang bintana ko ngunit agad itong naisara dahil umampiyas sa mukha ko ang tubig ulan na galing sa mga punong nakadikit bintana ko. Mas lalo naman akong nanlumo dahil bukod sa late na 'ko sa klase namin ay umuulan din kaya wala na talagang pag-asang makapasok pa 'ko.

Kamasalasan Count : 2

Pero bakit hindi ako ginising nang mas maaga ni Kuya? Ba't hindi niya man lang ako sinabihan na sobrang late na 'ko sa klase ko at umuulan pa? Mahihirapan akong pumasok sa school nito, e. O kung makakapasok ba talaga 'ko kasi mukhang hindi na dahil parusa lang ang aabutin ko nito, lalo na at umuulan pa. Kahit ang sumakay ako sa mga jeep hindi ko na kakayanin, e.

Argh! Tsaka ba't kami may pasok ngayong umuulan, ha? Private school naman 'yon kaya bakit kailangan naming sumuong sa ulan para lang makapasok?!

TT_TT

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now