Chapter 19: The Compact

1 0 0
                                    

CHAPTER NINETEEN

-Jade-

"ANO NA namang kailangan niyo sa 'kin?" Nakalabing tanong ko sa Wanda Girls na pawang nakataas ang mga kilay sa 'kin.

Hindi ko na dapat sila hihintuan kasi alam kong mambu-bwisit na naman sila. Pero kailangan ko pa pala silang sumbatan sa ginawa nila sa 'king panloloko kanina no'ng nando'n kami sa laboratory. Hindi ko 'yon nakakalimutan kahit na nagbigay na 'ko ng peace offering kay Yelo.

Ang galing nilang tatlo. Sila na nga 'tong nanloko at muntik na 'kong ipahamak tapos sila pa 'tong may lakas ng loob na harangan ako sa daanan. Araw-araw na silang quota sa 'kin at nakakainis 'yon. Hindi ba nila naiisip 'yung ginawa nila kanina? Kung halimbawang hindi sila nakita ni Yelo at hindi niya 'ko nabalaan, malamang sa malamang nakakulong na 'ko ngayon dahil sa kagagawan nila.

"Do you like Dominic ba, trash girl?" Tanong sa 'kin ni Chloe bigla.

"Ano?"

"After his brother sa kaniya ka naman magpapapansin. Hindi ka ba talaga nahihiya sa sarili mo? Talagang tutuhugin mo pa ang magkapatid na 'yon? Para sa'n? Para maging sikat ka rin dito sa school at wala nang mam-bully sa'yo?"

Nagsalubong ang mga kilay ko sa sinabi niya. "Ano bang sinasabi mo diyan, Chloe? Sa'n mo nakuha 'yang mga sinasabi mo?" Hindi ko gusto ang sinabi niya. Basta-basta na lang siya nagsasabi ng gano'n e wala naman akong ginagawa sa kaniya na kung ano na hindi niya nagustuhan. Kung tutuusin sa kanila pa 'ko dapat magalit dahil sila 'tong may sinabi sa 'king hindi maganda.

"Nakita namin 'yung ginawa mo kay Dominic, babae. Ganiyan ka ba talaga ka-desperada na makuha ang atensyon niya kaya ka nagbibigay ng kung anong cheap na bagay sa kaniya? Yuck!"

"You're also a flirt. Gusto mo silang magkapatid kaya ka gumagawa ng move para mapansin nila. Una kinaibigan mo si President para makalapit ka sa kaniya and now si Dominic naman na alam mong hindi ka papansinin. Ang desperate mo talagang trashferee ka!" Dinuro pa 'ko ni Bettina sa inis pero mas nagsalubong lang ang mga kilay ko.

"Para sa kaalaman niyong lahat, hindi ako nagpapapansin kay Yelo pati sa kapatid niya dahil gusto ko lang namang maging magkaibigan kami," inis na tugon ko sa kanila. "Wala akong gusto sa kanila at hindi rin ako desperada dahil wala naman sa isip ko 'yang mga sinasabi niyo. Gusto ko lang na maging kaibigan sila."

"Gano'n na rin kaya 'yon. You want them to be your friends and later on you'll get their attention to make them fall inlove with you. Alam ko na kaya 'yang ganiyang tactic so don't you ever fool us!" Inis din na sigaw ni Josie.

"Hindi nga sabi e," sinamaan ko silang tatlo ng tingin dahil sa pagiging makulit nila. "Hindi ba kayo nakikinig sa 'kin? Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala akong gusto sa magkapatid na 'yon? At kung gusto niyo sa inyo na lang sila dahil wala naman akong pakealam. Ba't ba ganiyan kayong mag-isip sa 'kin? Por que binigyan ko ng gano'n si Yelo sasabihan niyo na 'kong flirt? Nagpasalamat lang ako sa kaniya kasi siya 'yong nagsabi sa 'kin kanina na p'wede akong mapahamak sa gagawin ko sa sinabi mo, Chloe. Kung hindi niya 'ko sinabihan kanina sa lab baka napahamak na 'ko dahil sa panloloko niyo. Kaya masama bang magbigay sa taong nagmalasakit lang sa 'kin?"

At least nga ako marunong tumanaw ng utang na loob sa isang tao at marunong ding umako ng kasalanan. Eh, sila? Puro pang-aaway lang ang alam nila kaya hindi nila nakikita ang halaga ng ginawa ko kay Yelo. Kahit cheap man 'yon o hindi, kung mukha mang katawa-tawa 'yon sa mga mata nila, at least bukal sa loob ko. Palibhasa mayaman sila at hindi tinuruan ng gano'ng manners ng mga magulang nila kaya nanlalait na naman sila't nang-aaway.

"Ah. Kaya pala nag-assume ka na nag-alala siya sa'yo kaya binigyan mo rin siya ng cheap na bagay?" Maarteng banat ulit ni Chloe na talagang hindi nawawala ang katarayan sa mukha. "Napaka-assumera mo namang babae akala mo naman maganda ka. Maliit ka lang pero nasa loob naman ang kulo mo. Sabagay, malandi ka kasi."

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now