Chapter 23: Strychnine

1 0 0
                                    

CHAPTER TWENTY-THREE

-Zilthea-

NAGULAT ANG lahat nang sa hindi inaasahan ay natumba si Jade habang nasa harap siya ni Dominic. Bigla kong naisigaw ang pangalan niya at kahit si Lourence ay gano'n din ang nagawa sa sobrang gulat.

"Oh my gosh..." Naiusal ko habang takip ang bibig. Ilang segundo pa ang hinintay ko bago ako makalapit sa kaniya at mas nagulat ako dahil namumutla siya.

Anong nangyari sa kaniya?

"Move." Hinawi ni Lourence Kyle ang mga taong nakatingin kay Jade pero kusa rin 'yong nahati nang dumaan siya. Akala ko kung ano nang gagawin niya pero binuhat niya lang ang kaibigan at inilayo mula sa 'min.

Napakurap-kurap ako't biglang natameme sa hindi inaasahang pangyayaring 'to. Imagine, sumasayaw lang ang mga estudyante tapos biglang nagkaro'n ng accident? Bigla tuloy akong kinabahan. Pakiramdam ko kasi may mali sa nangyari sa kaibigan ko.

"Coz. Isunod mo nga 'ko kay Lourence sa clinic. I want to see my friend's situation." Sabi ko kay Dominic na nangangapa pa sa pangyayari.

Sila 'yung nagsasayaw kanina ni Jade pero nakita kong tumigil sila. Hindi ko alam kung ba't sila huminto pero para kasing nag-aaway sila. Papansinin ko pa sana no'n si Jade kaso nagulat na 'ko no'ng bigla siyang hinimatay.

"He'll bring her to ospital for sure."

"Bring me there."

"I don't want to. Kay Lourence ka na lang magpahatid."

"I'm worried to my friend. Dala siya ni Lourence kaya ikaw na lang ang p'wedeng maghatid sa 'kin." Giit ko dahil halata kaniya na ayaw niya 'kong ihatid. And if I know, talagang ayaw niya lang pumunta sa ospital kasi makikita niya ang kaibigan ko na hate na hate niya.

"Ayoko. I have to go now."

Napatapik ako sa noo. "Please, coz. I need your help now. Alam kong ayaw mong makita si Jade, but please do this favor for me and not for her. Hindi naman mahirap maghatid, diba?" Pamimilit ko pa rin dahil gusto ko talagang pumunta sa ospital kung nasa'n ang kaibigan ko. Si Lourence ang naghatid sa 'kin dito at sigurado akong sinakay niya si Jade sa kotse niya kaya wala nang maghahatid sa 'kin do'n.

"Fine. Tsh."

Sumunod ako kay Dominic pero nilingon ko muna ang mga tao na natigil na sa ginagawa nila. Tumingin ako kay Bryle na may nangangapang tingin pero hindi ko na lang siya pinansin. Alam ko namang lahat talaga kami rito nagulat because of Jade. Ako nga sobrang OA kasi napasigaw pa. Napaka-arte ko.

Alam kong hindi na itutuloy ang party dahil sa insidenteng 'to. Sira na ang party na pinagplanuhan pero hindi rin dapat 'yon isisi kay Jade kasi siya naman ang nahimatay. Gusto ko tuloy mapa-padyak sa inis kasi nag-aalala ako at feeling ko ako ang may kasalanan kasi ako ang pumilit sa kaniyang pumunta rito.

"Ba't nagkagano'n si Jade? What happened to her?" Mahinang tanong ko kay coz na nagmamaneho papunta sa ospital. May malapit namang ospital dito kaya alam kong doon lang din dadalhin si Jade ng pinsan ko.

Sandali niya 'kong nilingon at nang makita ang itsura ko ay itinaas niya ang mga balikat. "I dunno. She fainted all of a sudden."

"Ba't kayo tumigil na dalawa sa pagsayaw? Anong nangyari sa inyo?"

"None of your business. And don't assume that I'm the one who did that to her."

"What do you mean did that, coz? Eh, diba normal lang naman ang mahimatay kasi baka kulang lang siya sa tulog or baka may nakain siyang hindi tama."

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now