Chapter 8: The Three Warnings

1 0 0
                                    

CHAPTER EIGHT

-Dominic-

"SA'N PUNTA mo, dude?" Usisa ni Lourence nang huminto kami sa quadrangle. Tinawag niya kasi ako.

"Uuwi na."

"Aren't you going to stay at office?"

"No," napasinghal ako. "Why did you give me a freaking position, Lourence? Wala naman akong gagawin sa posisyon na 'yon." I hate my freaking title here. Nagulat na lang ako dahil sinabi sa 'kin na parte ako ng student council officers, at ang mas malala e pangalawang mataas ang posisyong 'yon. Wala man lang pasabi sa 'kin.

"Tss. I'm not the who gave you that position. 'Kita mong nagulat na lang din ako na may posisyon tayo."

"Whatever."

"Whatever ka rin. 'Kala mo ba 'di ko alam na may sinapak ka ro'n sa Tagaytay, ha?" Bigla siyang nagseryoso. Sumimangot ako. "Walang nakakaligtas na balita sa 'kin pagdating sa'yo, at kay Daddy na naman 'yon makakarating."

Napasinghal ako sa inis. "Stop telling him what's happening to me. Wala naman siyang pakealam sa 'kin and he'll just ignore the news."

"He will, but still lagot ka. Walang pinagkaiba."

"You're annoying. Tsh."

"I'm just concern, Dominic. Annoying ba 'yon para sa'yo?"

"Then stop mentioning dad here. Wala siyang idudulot na maganda sa 'kin," umirap pa ulit ako. "I'm going home. Mommy's finding me."

Tumango siya. "Take care, baby bro." Tinapik niya ang balikat ko.

Suminghal lang ako at naglakad papuntang parking lot para sumakay sa kotse ko. Nakasimangot ang mukha ko. Pa'no nalaman pa rin ng kapatid ko 'yung ginawa ko no'ng nakaraang araw sa Tagaytay habang nasa staycation kami. Marami pa rin pa lang nakamasid sa 'kin hanggang ngayon, and that's irritating.

Pinaandar ko ang kotse ko pero dahil hindi nakabukas ang gate, huminto ako sa harap para sabihan 'yong guard na bantay.

Then I saw my bonsai classmate all of a sudden. I don't know her name and I'm not interested either. Ilang beses na kaming nagkita at kinausap niya pa 'ko kanina, pero hindi ko talaga alam ang pangalan niya. Pero sure akong pangit ang pangalan niya kasing pangit niya.

That's foul.

Naalala ko 'yung ginawa ko kanina sa library. Sinabi kong may dumi siya sa mukha kahit wala naman. Nakakairita kasi siya, e. Ano ba naman 'yung umupo siya sa ibang upuan at h'wag sa harap ko, diba? Kailangan ba 'yung talagang sa harap ko siya umupo? Nakakairita kaya ang mukha niya, at hindi ko gusto ang mga tingin niya. Kapag tumitingin kasi siya akala mo laging lutang, ang pangit naman.

Pero sa totoo lang, ayoko sa mga taong wagas kung makatitig sa 'kin. They're making me disgusted and irritated at the same time. They seem to be thinking about me in the back of their minds.

Nakakainis lang talaga dahil hindi naman kami close ng kaklase kong 'yon para tignan niya 'ko nang gano'n. Gano'n din kasi ang ginawa niya nu'ng nakaraang araw, e. Nakatitig siya sa 'kin at sa sobrang kalutangan niya, naiwanan niya ang phone niya at na-holdap pa siya.

And speaking of that holdaper guy, hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang sugat sa braso ko kaya may gasa pa rin ito. Kumikirot lang dahil pakiramdam ko medyo malalim 'yung pagkakadaplis ng kutsilyo sa 'kin. Gusto ko tuloy siyang sapakin ng maraming beses.

But back to this bonsai girl. I'm enjoying teasing her because I found her funny and ugly. Nakakatawa siyang panooring mainis dahil lumolobo ang dalawang pisngi niya at 'yung mga kilay niya e salubong na talagang inis na inis. Pinigilan ko na nga lang na matawa kanina kasi baka sabihin niya na nababaliw ako. Pero pfft, her reaction was super funny and not cute. Ang pangit niya kaya. Unano pa kaya nakakatawa.

School Playlist: Existence [On-going]Where stories live. Discover now