Epilogue

138 10 12
                                    

"Magnanakaw!" Agad akong tumakbo nang mabilis nang makitang mabilis rin tumakbo papalayo ang lalaking nakasuot na itim na jacket habang hirap na hirap na hinahabol ng matandang babae. Kahit napakalayo ay agad kong nasabayan ang lalaki, bago pa siya makaliko sa isang eskinita ay agad ko ng hinablot ang hoodie ng jacket na siyang ikinatigil niya. I stopped him with full force that made him turned his head towards me.

Psh, napakakriminal ng itsura!

Agad kong naramdaman ang panginginit ng mga mata ko. When I saw my eyes' reflection from his orbs, it was glowing, my crystal blue eyes are glowing that made him stunned.

Wearing the blue hoodie that Giordan gave me, a black facemask, I took the wallet from his hand and kick his knees. Napaluhod siya sa ginawa ko habang tulala siyang nakatingin sa akin. Ramdam ko ang nginig sa buo niyang katawan, at naiintindihan ko 'yon dahil sa nakita niya ang kakaibang marka sa mata ko na hugis bungo.

Of course, he's scared. At for sure, halimaw ang tingin nito sa'kin. But I don't care.

"Stop stealing you fucker, magtrabaho ka ng marangal!" Sigaw ko sa kaniya, agad kong hinawakan ng mahigpit ang mga kamay niya hanggang sa narinig ko na lamang ang sigawan ng mga pulis. Napairap na lang ako at itinabi sa lalaki ang wallet na hindi na makagalaw dahil sa takot. Bago pa man ako maabutan ng mga pulis ay agad na 'kong umalis at tumakbo ng mabilis.

"Namataan na naman ang Superhero natin na binansagang si Death dahil sa kaniyang suot at mga kumikinang na mga mata! Kanina'y nakita itong tinulungan ang isang ninakawang matandang babae sa plaza at nasaksihan ng marami kung paano pinigilan ni Death ang lalaki na makatakas! Agad rumespunde ang mga pulis at dinakip ang magnanakaw. Magbabalik kami para sa mga karagdagang impormasiyon! Ito ang, TV Socials!"

I sighed so deeply when I got home, I immediately changed my outfit and then went down to the dining room after watching the news in my Facebook news feed.

Ang dali talagang kumalat ng balita.

"Lola!" I smiled, she smiled at me too sweetly while Lolo is busy reading the newspaper. But later on after seconds, he looked at me and gave me a sweet smile.

Living with them is actually good, they gave me things na kahit hindi ko kailangan ay binibigay pa rin nila. They spoil my fantasies, they provide everything that I deserve that's why I'm so thankful for this new life.

"Apo! Here, I cooked Pork Adobo! You have to taste my specialty!" She excitedly scream that made me shook my head while laughing.

"Kahit hindi ko pa po matikman, alam ko na pong masarap! Tignan mo si Lolo, halos nakakalahati na ng kanin!" Natatawa kong sambit, pinanlakihan ako ng mga mata ni Lolo na siyang ikinatawa ko pa lalo. Agad na akong umupo katabi si Lola habang nasa harapan ko si Lolo na parang binabasa ang kabuuan ko.

"Ganiyan talaga 'yan apo, that's why he's madly in love with me since we we're teenagers. Because of my cooking skills, and beautiful face." Napahagikhik ako dahil sa tinuran ni Lola na siyang ikinangiti ni Lolo.

"Wait, did you run?" Lola asked, I stared at her and shook my head.

"It was just so hot, Lola. Mainit po kasi sa labas." Agad akong uminom ng malamig na tubig na kakalagay lang ng isa sa mga maid namin. Ngumiti ako sa kaniya at nagpasalamat.

"Ayaw mo ba talagang magpasama ng mga body guards apo? Tutulungan ka nila para hindi ka mahirapan. Kung gusto mo, papayungan ka nila araw-araw." Agad akong umiling sa sinabi ni Lolo, I don't need bodyguards because I know to myself that I can handle myself well.

At tiyaka, kaya ko rin namang payungan ang sarili ko.

"Lolo, hindi na po kailangan okay? Malaki na po ako at wala naman masiyadong nakakakilala sa akin sa labas. Mga business man, or other professionals lang po ang nakakakilala sa akin." Huminga na lang siya ng malalim at tumango. Sinabi ko na kasi sa kanila noon na hindi ko na kailangan pa ng bodyguard kasi nga hindi talaga ako kumportable na nasa paligid lang sila. Pakiramdam ko kasi, hindi ako makagalaw freely dahil sa mga bantay.

Death Curse Escapade [BL] Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon