Panlabingpito

119 11 15
                                    

Saturnino

Itong kaba na nararamdaman ko ngayon ay hindi ko alam kung paano ko lulusutan. I don't know how can I relax myself knowing that Giordan is inside of this house and asking permission to work with Mommy! I am actually confused! Diba anak siya ng politiko? Anak siya ng malakas na politiko at may pangalan sa bayan? Pero anong ginagawa niya? He is confusing me and I don't know what's his plans!

"Ayos ka lang ba, Sat?" Napalingon ako kay Iyanna na ngayo'y nasa tabi ko na. Nag-aalalang nakatingin siya sa mga mata ko na siyang ikinahinga ko na lang ng malalim. I already told her what happened, at first she's teasing me for having two guys with me inside of the car but when she realized that it is so hard for me to read Giordan's unexpected gestures... she stopped.

Of course, alam niyang may gusto ako sa lalaking 'yon no'n.

Ang awkward na level talaga sa loob ng sasakyan ay hindi ko na ma-reach dahil sa hindi na ako makapagsalita! It is so hard for me to talk knowing both of them are going to listen! Hindi ko alam pero hindi kasi ako kumportable magsalita kapag nandiyan si Giordan lalo na't nando'n rin si Felionan! Sila nga ang pinagtabi ko sa harapan dahil hindi ko alam kung ano talaga ang gagawin!

Destiny is really a raconteur! Giving me sad moments with Giordan and now giving me confusions on how I can surpass the pain and expectations again! Destiny is really challenging me too, and I don't know how to counter its attacks towards my heart and mind!

"Wala akong magagawa, Iyanna. Hindi ko rin talaga kasi alam kung bakit nagiging ganito si Giordan! We're done! I'm done with him! I let my feelings go because I already know that I don't have any chance but what's happening now? It's confusing me!" I rant, she sighed deeply.

"Hindi natin alam kung wala ka ba talagang chance, Sat." Nagsalubong ang kilay ko dahil sa sinabi ni Iyanna at nanliit ang mga mata ko dahil sa narinig. Ano na naman ba ang pinagsasabi nito?

"Anong ibig mong sabihin, Iyanna?" Taka kong tanong sa kaniya.

"Sabi ko, hindi natin alam kung wala ka ba talagang chance sa kaniya." What?

"Paano mo naman nasabi 'yan? Eh siya na nga mismo ang nagsabi sa akin na kaibigan lang talaga ang turing niya sa akin at ininsulto pa nga niya ang nararamdaman ko para sa kaniya!" Mahabang litaniya ko sa kaniya. Napatingala ako sa kaniya nang tumayo siya sa kama dito sa kwarto ko at nagkrus ang mga braso.

"Maniwala ka man o sa hindi, binabantayan ko siya."

"A-Ano?" Tumango siya. Binabantayan? Binabantayan niya si Giordan?

"Binabantayan ko siya kasi nga hindi ako naniniwala sa personalidad niya. Hindi rin agad ako naniwala sa mabuting pakikitungo niya sa'yo no'ng maayos pa kayo. Binantayan ko siya dahil ayokong mapahamak ka at ayokong magkaroon ka ng kaibigang ahas na gagamitin lang ang kahinaan mo." Natigilan ako sa paliwanag ni Iyanna. Hindi ako nakapagsalita dahil parang may bumara sa lalamunan ko nang marinig ko 'yon mula sa kaniya.

How I miss her so bad! 'Yong tipong lalabas kami together, kakain na magkasama at magkukuwentuhan hanggang sa mapagod kami. Miss na miss ko na si Iyanna, pero anong gagawin ko? Hindi na siya buhay sa mundong ibabaw.

"Pero nang mapansin kong seryoso siya sa lahat ng mga galaw niya, totoo at walang halong pangloloko ay do'n na ako nagtiwala sa kaniya. At tiyaka, pakiramdam ko rin kasi na may gusto rin siya sa'yo." Napailing agad ako sa dinagdag ni Iyanna, tumayo ako sa kama at hinarap siya.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now