Pangwalo

135 26 38
                                    

Saturnino

Ilang oras na kaming magkasama ngayon ni Giordan at nasisiguro akong ngayong araw na'to ang pinakamasayang araw na nangyari sa tanang buhay ko. Hindi ko alam pero kahit hindi naman talaga gano'n palasalita si Giordan, napapansin ko na ginagawa niya ang best niya para lang makipagsabayan sa akin. Ako naman, nagiging komportable na talaga akong kasama siya at hindi na rin ako masiyadong nahihiya dahil mukhang unti-unti na akong nasasanay sa presensiya niya! Pero, hindi ko pa rin makontrol ang damdamin ko... ang emosyon ko kapag ngumingiti siya ng matipid, kapag naririnig ko ang malalim niyang boses at tiyaka ang mga kinikilos niyang kakaiba!

I am soft, Iyanna knows that, that's why it is so difficult for me to avoid these kind of situations especially his unexplainable gestures towards me! It is actually confusing, he knew that I'm gay so I think he has already an idea how gays' life works when it comes to men!

"Hey, what are you thinking?" Parehas ng ganito! Tinatanong niya ako sa mga bagay-bagay na alam niya namang hindi ko talaga alam ang saktong sagot! Hindi ko alam kung anu-ano ang iniisip ko! Pero kapag tinatanong niya ako ng ganito? Siya agad ang naiisip ko!

Malala ka na! Naririnig ko tuloy ang boses ni Iyanna sa utak ko! Kung nandito lang siya, aba ay nasisiguro ako na aasarin na naman ako no'n!

"Wala naman, I just enjoyed your company. This is the first time I went out with a guy." I replied to him while smiling, he nodded at me and smiled a bit. Hindi ko pa siya nakikitang ngumingiti ng malapad, puro matitipid lang ang mga iginagawad niyang ngiti. Ewan ko kung sa akin lang ba siya ganiyan, o baka sa ibang tao rin?

Gabi na, at nandito kami ngayon sa isa sa mga benches ng Plaza habang nanunuod na sumasayaw ang mga makukulay na tubig sa fountain na siyang nagpamangha talaga sa akin no'ng pagkaupo pa lang namin dito. Tama nga si Giordan, they are glowing and entertaining at the same time.

"Teka, may tanong nga pala ako." I uttered when suddenly a silence between us crossed. Tumingin na naman siya sa akin at ayan na naman ang paraan ng paninitig niya. It was so deep like he was hypnotizing me with his stares, his eyes are like jewels that attracts me... prevents me to look away and just keep staring at him!

"What is it, Sat?" He asked. Huminga ako ng malalim at tumingin sa fountain kung saan napakaraming tao ngayon na nagsisiyahan dahil sa makulay na mga tubig. Pamilya, mga bata, mga magkarelasiyon at kahit nag-iisa ay ramdam na ramdam ko ang tuwa. I felt their amazement and adoration towards the fountain that brings them joy.

"Bakit ako? Bakit pinili mo ako na maging kaibigan?" I asked, but before he could say anything else, I spoke again.

"Alam mong bakla ako at sa araw na 'yon ay nakatingin ako sa'yo pero hindi mo pinaramdam sa akin na hindi ka kumportable. I know that you were uncomfortable that time because of our classmates teasing us two, even our teacher as well. But why me? Bakit mo ako nilapitan? Bakit mo 'ko kinaibigan? Hindi ka ba natatakot mahusgahan?" Litaniya ko sa kaniya, hindi ako nakaharap sa kaniya nang sabihin ko 'yon dahil nahihiya ako at hindi ako handa sa kung ano mang ekspresiyon ang ipinapakita niya ngayon.

"I want peace, Sat... and I found it from you." Natigilan ako dahil sa narinig ko mula sa kaniya kaya unti-unti akong lumingon sa katabi ko finding out that he is intently staring at me with his sparkling brown coffee eyes. I was stunned because of his stares like he's telling me that there's a hidden message in that phrase from him that I need to know.

Pero hindi ko kaya! He is giving me signals and I don't want to misinterpret his words. Sa ilang araw man naming pagsasama sa school, hindi ko pa rin talaga siya lubos na kilala maliban na lang sa mahilig siya sa Jollibee! Yes he's cold kind of guy, he doesn't love to talk that much and he's picky when it comes to talking people. Pero hindi 'yon sapat!

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now