Pangalawa

218 27 34
                                    

Saturnino

Agad akong nagising nang tamaan na ang mukha ko ng sinag ng araw galing sa bintana. Unti-unti kong ibinuka ang mga mata ko at kinuha ang cellphone sa gilid ng kama. On the mini round table, there's my phone and a glass of milk. I smiled sweetly.

"Si Mommy talaga, ang aga gumising." Mahinang sambit ko at agad tinignan ang oras sa phone. It's already eight in the morning, ten pa ang pasok ko kaya enough time na 'yon para makapaghanda.

Bumangon na ako sa kama at inayos ang puting bedsheet, inayos ko na rin ang mga unan na nagusot at kumot. Pagkatapos ay kinuha ko ang baso na may laman ng gatas at lumapit sa malaking bintana. Bumungad sa akin ang iba pang bahay na malalaki katulad ng sa amin, ang iba ay three-storey rin tulad ng amin at ang iba naman ay two-storey lang pero magaganda at mamahalin pa din.

What a good morning to start, with a refreshing air and a smiling sun and with a peaceful view.

"Sabi sa akin ng mga kakilala ko, tinulungan ka nilang makatakas kay Manong Kano." Halos maibuga ko ang iniinom kong gatas nang marinig ko ang boses ni Iyanna mula sa likuran ko. Agad akong lumingon sa kaniya habang siya ay pirmi lang na nakahiga sa kama ko. Tinignan ko siya ng masama.

"Iyanna, diba sabi ko sa'yo huwag mo 'kong ginugulat? Alam mong magugulatin ako!" Sigaw ko sa kaniya, ngumisi lang siya sa akin at umupo.

I sighed deeply, ganiyan na siya noon pa! Hindi talaga marunong makinig!

"Sat, nature ko na ang manggulat. I'm a ghost." Parang walang gana niyang sambit, na para bang it is so obvious naman talaga na ganoon na ang nature niya kasi isa na siyang multo! But I don't consider her as one, she's my friend and it feels like she is still physically here.

"Pero huwag mong iniiba ang usapan. Sabi nila sa akin ay may ni-rape si Manong Kano at 'yong babae na kasama mo sa pagtakas kagabi ang biktima." I nodded, lumapit ako sa kama at umupo sa harapan niya.

"Eh paano ka napunta do'n?" Pagtataka niyang tanong sa akin. Huminga ako ng malalim.

"Lumabas kasi ako kagabi pagkatapos nating mag-usap, tiyaka alam mo naman kung gaano ako kakomportable lumabas sa gabi diba? Tiyaka, malaki ang buwan kagabi kaya naglakad-lakad ako. Hindi ko naman aakalain na may mangyayaring gano'n sa dulo ng subdivision na'to." Paliwanag ko na siyang ikinahinga niya ng malalim.

"Mabuti na lang hindi ka napahamak, Sat! Delikado 'yon! Delikado kapag nag-iisa ka lang, okay? Huwag mo ng ulitin 'yon! Gosh! That's why I hate you for loving the night!"

"Kung hindi ako dumating, mapapahamak ang babaeng 'yon! Baka na-rape na siya at kapag hindi 'yon naagapan agad, puwedeng gawin ulit 'yon ni Manong Kano! At tiyaka teka, ano nga palang ginawa nila kay Manong?" Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Nilabanan ko ang mga paninitig niya kahit alam kong may kinalaman siya.

Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang notification sa cellphone ko. Hindi ko na sana papansinin pero tumunog na naman 'yon ulit kaya napilitan akong buksan iyon. My eyes narrowed when the notifications are showing that someone I barely know posted and mentioned everyone of us using hashtag followers and hashtag highlights. I click it and suddenly a post surprised me.

"Kung hindi po siya dumating, siguro kung ano na po ang nangyari sa'kin! Kung hindi po siya dumating, baka napahamak na po ako at tuluyan ng na-rape!" Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung ano ang mararamdaman ko sa video post na ito ng babaeng pamilyar sa akin. Ang babae kagabi! She was interviewed by someone na hindi nakikita sa video.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now