Pangsampo

139 17 30
                                    

Saturnino


"I'm okay, Mommy. You don't have to worry okay? Puwede na tayong lumabas sa hospital. Baka lumaki pa ang bill natin dito!" Umiling lang si Mommy bilang sagot na siyang ikinahinga ko ng malalim. She is peeling the oranges for me to eat, she already sliced apples into half and made me eat it and she also brought bananas! Nagmumukha akong unggoy sa ginagawa ni Mommy!

"No anak, kailangan mong magpahinga. And you don't have to worry about expenses okay? Ako na bahala sa babayaran." She stated that made me stopped for a while.

Until now, hindi ko pa rin alam kung ano nga ba talaga ang trabaho ni Mommy at parang napaka-confidential sa kaniya na sabihin sa akin. And until now, hindi ko pa rin natatanong sa kaniya ang tungkol sa Diyos... na siya daw na tunay kong Ama. Hindi ko alam kung tama nga ba itong iniisip ko na hindi talaga ni-rape si Mommy, or she was just pretending? To prevent me to know my father?

Wala rin naman kasi akong nakikitang mali kung ipapakilala niya sa akin ang tunay kong Ama. At tiyaka wala rin naman akong balak sumama sa kaniya dahil nasanay na akong nasa puder ni Mommy. Kaya kung nag-aalala siya na baka sumama ako sa Ama ko, hindi... hindi ako sasama dahil kung mahal niya kami ay hindi niya kami iiwan kung sakaling may nangyari mang alitan sa pagitan nilang dalawa.

"Mommy naman!" Umiling pa rin siya. Napapikit na lang ako dahil alam kong hindi talaga ako mananalo sa kaniya.

"Makinig ka na lang kasi sa Mommy mo, Sat. Huwag kang pasaway at magpahinga ka na lang." Tumingin ako kay Iyanna na nakaupo ngayon sa ibabaw ng kama katabi ko. Of course, my Mommy can't see her, and can't hear her. Pero alam ni Mommy na may kakayahan akong makakita ng mga espirito katulad ni Iyanna.

Tinignan ko lang siya ng masama at naparolyo ng mga mata.

"Mommy, I am not comfortable here okay? There are lots of spirits here." I reasoned out which is half true. There's one time that an uninvited guest came in and I expected that he was a person but turns out that he's a lost spirit who wanted to find his son. Nabulyaso pa ako na nakakakita ako kaya ginulo niya ako ng ginulo pero buti na lang dumating si Iyanna at siya mismo ang tumulong sa kaniya na hanapin ang anak niya.

"Anak, kung palalabasin kita rito ay baka mapaano ka na naman. Hindi natin alam kung ayos ka na ba talaga, hindi pa dumadating ang Doctor mo." Isa pa 'yan eh! Bakit hindi pa pumupunta dito ang Doctor ko eh alam ko naman na maayos na ako? Pangalawang araw ko na dito sa hospital and I don't really want to stay longer!

Tatlo kaming sabay na napalingon sa pinto nang may kumatok do'n. Lumiwanag agad ang mukha ko na nagbabakasakaling ang Doctor na nga 'to but my smile faded when Giordan's picture came in. He's carrying a bouquet of flowers and fruits that made me frown.

Okay na 'yong flowers eh! Bakit may prutas na naman?

"Good afternoon, I'm Giordan. I'm Saturnino's friend." Naramdaman kong natigilan ang katabi ko habang si Mommy naman ay unti-unting lumilingon sa puwesto ko. Nakita ko kung paano lumiwanag ng kaunti ang kaniyang mukha na siyang ikinairap ko na lang ng kunyari, at napangiti na lang.

Agad tumayo si Mommy at tinigilan ang pagbalat ng orange, nilapitan niya si Giordan at tinulungan sa kaniyang mga bitbit.

"Hello Iho, I'm Sat's Mommy! Wow! I didn't expect this to happen! My son is having a friend again!" Tuwang turan ni Mommy, si Giordan naman ay parang hindi kumportable pero tumango na lang siya sa inakto ni Mommy.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now