Tatlumpo't dalawa

98 12 9
                                    

Saturnino




"Psh, I don't need your help." He arrogantly said that made my eyes rolled. He punched with so much force the other corrupted soul that made it screamed, until it vanished because of the energy from his fist that killed the monster.

"You're really a hard-headed man, Rebel. Kaya ka palaging nasisinghal ni Serissa." Natigilan siya sa sinabi ko at nanlaki ang mga matang napatingin sa gawi ko. Psh, I thought he knew who I am?

"S-Saturnino?" Pangungumpirma niya. Hinubad ko ang face mask pati na ang hoodie na nakatabon sa ulo ko at nginitian siya ng tipid.

"What the fuck are you doing here?" Maangas niyang tanong sa akin habang ako ay nakatingin lang sa magkaibang kulay ng mga mata niya. Agad naglaho ang ngiti sa labi ko.

He is actually the weirdest Demigod I've ever known but I know that he is powerful too like the others. But when it comes to his attitude, he is not well-mannered that's why Serissa is always scolding him.

I really want to enjoy the gentle zephyr that caressed my face, but not until these corrupted souls suddenly appeared with this arrogant man! Kahit saang banda, hindi ko talaga maintindihan ang attitude niya! He is competitive kind of man, and he doesn't want anyone to help him because he's assuming that he can do everything by just his own.

"Ako dapat nagtatanong sa'yo niyan, Rebel. Bakit ka nandito at bakit dito mo pa talaga dinala sa public na lugar ang mga halimaw na 'yan?" Singhal ko sa kaniya, agad akong tumalon ng mataas nang bigla na lang umatake sa akin ang isa sa mga corrupted souls. Iwinasiwas niya ang malaking scythe na dala niya na siyang agad ko ring iniwasan. I slashed my swords towards the monster and before he could avoid it, my swords already reached its chest that made it screamed in pain. Hanggang sa naglaho ito na parang abo.

Natigilan ako nang may lumitaw na namang marami! Teka! Bakit ang dami nila!

"Psh, they are following me, and you already know that! And now you're here with me, you idiot, they'll probably follow you too!" Sigaw niya sa akin na siyang ikinailing ko na lang. Aba, kasalanan ko ba kung bakit siya sinusundan? At teka, bakit siya pa 'tong nagagalit eh siya na nga ang may kasalanan kung bakit nandito ang mga halimaw na 'yan!

"Maka-idiot ka akala mo hindi ka gano'n! Eh kung sana hindi mo dinala 'yan dito edi hindi ako madadamay! Utak mong monggo! Kung sana sa lugar na imposibleng puntahan ng mga tao mo dinala ang mga 'yan!" Sigaw ko pabalik sa kaniya. Hindi ko alam kung ano ang oras na at nagpapasalamat na lang ako dahil sa wala na ring katao-tao. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kapag may nadamay na mga inosente sa mga laban na 'to!

"Ordinary people can't see them, you idiot being! Only Demigods can see them, visibly!" Napailing na lang ako at iniwasan ang atake ng isa sa kanila. Tumakbo ako ng mabilis at tumalon sa isa sa mga benches ng Plaza at agad itinarak ang dalawa kong espada sa dibdib ng halimaw. Pagka-landing ko sa semento ay agad akong yumuko nang may dalawa pang gusto akong saktan, gumulong ako hanggang sa makadistansiya ako ng kaunti papalayo sa kanila.

"Nasa'n ba kasi si Serissa? Bakit hindi kayo magkasama?" Tanong ko rito habang humihingal na ng kaunti. Unti-unti na akong nakakaramdam ng pagod sa katawan at parang unti-unti na rin akong kinakapos ng hininga sa dibdib.

"Why are you asking me? I don't even know how to answer that fucking question! Malay ko ba kung saan ang babaeng 'yon!" Psh, mukhang nag-away na naman ata ang dalawa kaya hindi na lang ako nagsalita ulit at lumaban na lang.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now