Panlabing-isa

134 15 26
                                    

Saturnino

After being hospitalized within a week, I was already discharged by the Doctor. He gave me lots of medicines that I need to take because my body was weak when Serissa and Rebel found me. I'm out of energy but luckily, I woke up in an hour that made them shocked.

Pinipilit ako ni Mommy na mag-stay pa pero hindi ko na siya hinayaan pa dahil ayos na ayos naman na ako. Ayokong lumaki ang bills namin kahit alam kong may pambayad naman si Mommy. Ayokong mag-stay pa ng matagal sa kwartong 'yon kung saan naging saksi sa pagiging sawi ko.

Yes I felt blue, because I thought Giordan is not the same with the other men who sees me as a curse gender. I am feeling despondent and regretful but I think it is still a good move to take risk and know the outcome.

Ayoko namang mag-assume na lang palagi kaya maayos na nalaman ko ang lahat galing sa bunganga niya.

And now, I really have to focus on my mission. To find the killer of Iyanna while not being associated with Giordan. I didn't have enough time to ask him about that but if he is really a son of a politician... I don't care anymore. I will find my own ways, and I will find out who mercilessly killed my bestfriend.

"Ayos ka na ba talaga anak? Teka, saan na nga ba si Giordan? Gusto ko siyang makita!" Napailing na lang ako at huminga ng malalim.

She's always asking me about Giordan's whereabouts but I always told her that he's busy. Giordan is no longer my friend, Mommy doesn't know that and she doesn't have to know because it was just a pass time for him to be with me... as his shitty comfort and peace buddy.

"Mommy, ilang beses mo na 'yang tinatanong ah? Sabi ko, busy na siya sa school kaya kailangan ko na ring pumasok dahil baka naiiwan na ako!" Turan ko sa kaniya na siyang ikinangiti niya lang. I know she is thinking something that she shouldn't. It's so far from the reality! Hindi na kami magkaibigan at hindi ko alam kung magkakaayos pa kami! Ayoko na siyang gambalain pa, ayoko na siyang makausap muna dahil nga sa nasaktan kong puso!

Hindi ko nga alam kung paano ako makikitungo sa kaniya kapag nasa school na kami. We're almost seatmates dahil halos magkatabi na ang mga lamesa namin pero I have to find ways to avoid him. Marupok ako, at 'yon ang ayaw kong mangyari ulit sa aming dalawa. Na isang salita niya lang ay mapapatawad ko na siya, isang kilos niya lang na siyang magpapaiba sa pananaw ko ay magiging ayos na ang lahat. Ayoko ng gano'n! Nadala na ako!

Ilang minuto kami bago nakauwi sa bahay, agad akong sinalubong at kinamusta ni Manang Feliz na siyang ikinangiti ko ng matamis. She's like my grandmother, she is always there to serve me food and ask me things like related from school or how's my day being in school.

Lagi niya nga akong sinasabihan na hindi naman kailangan na marami kang kaibigan. Oo handa ka kapag may kailangan sila pero ang tanong, handa ba sila kapag ikaw naman ang nangangailangan?

Tumatak 'yon sa akin kaya mapili talaga ako sa tao kapag gusto kong kaibiganin. Iyanna is one of the coolest and kindest person I've ever met in my entire life and no one can replace her in my heart. She is always be the best, my bestfriend.

"Kain ka na muna anak, pinaghanda kita ng paborito mong adobong manok." Agad lumiwanag ang mukha ko dahil sa sinabi ni Manang Feliz kaya agad akong napalingon sa dining area at nakitang parang may umuusok do'n.

"Manang, hindi niyo ba ako aayain?" Napalingon kami ni Manang ng sabay kay Mommy habang nakanguso ito. Humagikhik na lang si Manang habang ako ay napailing na lang sa pagiging childish niya.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now