Pang-anim

147 23 30
                                    

Saturnino





"Giordan?" Tawag ko sa pangalan niya, agad siyang lumingon sa akin at bago pa siya tumingin sa likuran ko ay agad ko ng itinakip ang sarili ko kung saan hindi niya makikita kung ano ang meron nando'n.

"What are you doing here? I was about to call you to have lunch." Natigilan ako dahil sa sinabi niya at halos hindi na ako makahinga ng maayos!

Anong lunch ang sinasabi niya? Teka, is he going to eat lunch with me? Wait, am I hearing things correctly?

"And I heard some of our classmates went here and saw you. Mumbling stupid things." He added that made me nod. Mukhang sinabi nga nila Sterro ang nangyari sa loob ng building na nasa likuran ko.

"That's why I went here to check if you're really here, and I guess they're right."

"A-Ah may pinuntahan kasi ako tapos tayming naman na napadaan ako sa lugar na'to. Nakita ko rin sila Sterro na nandito kanina kaya 'yon ata ang dahilan kung bakit sinabi nila sa'yo na nandito ako." I replied to him, he nodded. Madaling kausap si Giordan kaya hindi siya gano'n kaimposibleng maging kaibigan. Pero hindi ko alam kung sa iba na.

"Are you going to eat lunch in your home again?" He asked, umiling ako agad. Oo sa bahay sana ako kakain ng tanghalian dahil 'yon na ang nakasanayan ko pero mukhang hindi na muna sa ngayon. Gusto niyang kumain kasama ako eh!

"N-No, dito lang ako sa school kakain. O baka sa mga karinderya diyan sa labas." Sabi ko na lang. Tumango siya at ngumiti ng tipid.

Jusko, hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na 'to habang kausap si Giordan! Tuwing nag-uusap kasi talaga kami ay hindi na nagiging normal ang takbo ng puso ko. Hindi ko na alam kung paano huminga ng maayos at kapag ngumingiti siya sa akin ay bigla na lang akong nakakaramdam ng kung anong hayop sa loob ng tiyan ko! Siya lang, ang nakakagawa ng ganito sa akin.

"Okay then, I'll treat you, let's go." Before I could say anything else, he already hold my hand and dragged me that made me stiffened! His hand is so warm that I almost forgot how to walk and breath properly! Mamamatay ako sa mga ganitong kilos niya lagi!

Naglakad na kami papalayo sa building na 'yon, at iniwan sina Rebel at Serissa. Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin na katulad nila ako pero hindi ko na 'yon pinansin pa. Ayokong lumaki ang gulo na siyang dahilan kung bakit kami nagkatagpo, at tiyaka nalaman din nila na lumiliwanag ang mga mata ko kapag nakakakita ako ng mga espirito.

Habang naglalakad sa hallway, kitang-kita ang mga matang nakatitig sa aming dalawa ni Giordan lalo na ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko... na para bang hindi aksidenteng nangyari ang paghahawak namin ng kamay. Of course they'll think otherwise that even it's nothing for us, for them it's a wholesome.

Rinig na rinig ko ang usapan ng ibang mga estudyante pero itong kasama ko ay parang wala lang pakialam sa nangyayari at naririnig. Ako ang nahihiya!

Mahigpit lang na nakahawak sa kamay ko ang kaniya, 'yong tilang napakahigpit na pagkakahawak na hindi ko aakalain na magugustuhan ko. Hindi 'yong klaseng hawak na ginawa mismo ni Rebel sa akin kanina na halos magkapasa na dahil sa sobrang higpit!

Ilang minuto kaming gano'n hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na dinadala ng malaking agos ng magandang pakiramdam habang papaakyat sa rooftop. Pagkabukas ni Giordan ng pintuan ay agad bumungad sa amin ang maaliwalas na kalangitan, ang ngiti ng araw at ang yakap ng malamig na hangin.

Death Curse Escapade [BL] Where stories live. Discover now