I'm outside

Ma'am Viel




Nagulat ako ng matanggap ko ang text ni Ma'am Viel kaya naman mabilis akong nagbihis pagkatapos ng shift ko.

Ng makalabas ako ay nakita ko siyang nakasandal sa isang poste ng ilaw. Nakasuot lang ito ng pantulog and her usual black jacket. Kita ko pang namumungay na ang kanyang mata. Inaantok na ata siya di nga niya ako napansin kasi nakayuko lang ito.

Napangiti ako dahil sa nakita. She's so adorable talaga. Kaya nga nagdadalawang isip ako kung mommy ko ba talaga siya or baby.

 Kasi lately ay mas nagiging cute siya sa paningin ko.

I tapped her shoulder.

"Ma'am, tara na po uwi na tayo." hindi ito nag salita at sumunod nalang sa akin. I gently guide her sa sidewalk. Pinapuwesto ko siya malayo sa mainroad baka kasi masagasaan si Ma'am eh. Malapit lang naman ang condo namin sa store na pinagtatrabahuan ko, mga 10 minutes walk lang.

"Ma'am bakit ka po lumabas pa? Next time wag na kayong lumabas ng mga ganitong oras." pagbasag ko ng katahimikan. 

Sabay kaming naglalakad at nakatingin lang ako sa harap samantalang siya ay nakayuko lang. Panay din ang hikab niya. 

Naawa tuloy ako.

Bakit kasi lumabas pa siya? Sana natulog nalang kasi.

"I'm not sleepy, so I take a walk" maikling paliwanag niya at humikab uli.

Yan ba ang hindi inaantok? Mukhang bagong gising nga eh kasi kita ko pa ang morning dust sa gilid ng mata niya.

I stopped her from walking. 

Pinaharap ko ito sa akin ang I tiptoed para maabot ang gilid ng mata niya. I carefully removed the morning dust in her eyes at ngumiti sa kanya.

She's just looking at me without any sign of emotion kaya nag iwas na ako ng tingin. Hinawakan ko ang kanyang kamay at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Kamusta araw mo Ma'am? Diba sabi mo busy ka sa papers mo? Sana natulog ka nalang at hindi ako sinundo. I can handle myself naman"

This is the first time kasi na sinundo niya ako. 

Usually hinahatid niya lang ako sa cafe tas tatambay siya doon minsan para gumawa ng paperworks at pag may time siya ay hinahatid niya ako sa convenience store.

Pero ang maghintay matapos ang shift ko sa store ay hindi niya pa nagagawa. Kaya di ko alam kong matutuwa ba ako or mag-aalala kasi naman delikado na sa ganitong oras tapos lumabas pa siya. 

What if may mangyari sa kanyang masama?

Inalis niya ang pagkakahawak sa aking kamay.

She faced me ng nakanguso na.

"Bakit ba ayaw mong sunduin kita?! Can you just be happy that I made an effort to sundo you?!! God!!! You're making my blood boil!" mabilis ito naglakad palayo sa akin kaya napatawa nalang ako sa inasal niya. 

Minsan nagiging bata isip din si Ma'am pero I will never complain kasi ang adorable niya kapag nagiging childish siya.

"Wait lang Ma'am hintayin mo ako." hinabol ko siya.

"I will not make you sundo na! Bahala ka na sa life mo!hmpp!" she's being sulky again. Jinojoke lang eh.

I grab her hand ng mahabol ko siya pero pilit niyang inaalis.

The Author's Crime Where stories live. Discover now