"Heto, nanghihina pa rin. Kung hindi ako buntis, ano kayang nangyayari sa akin?" hindi ko pa rin kasi nasasabi rito ang lasong natagpuan sa kanyang sistema. "O, bakit ikaw ang narito, nasaan si Marikit?"

"Nagkasakit din siya, tulad mo."

"Ha? Nahawaan ko ba siya?"

Hindi ko agad ito sinagot.  Ilang segundo rin akong humanap ng buwelo, "Senda, may kailangan akong sabihin sa 'yo dahil ayokong maglihim sa 'yo."

"Tungkol saan?"

Nahirapan akong umpisahan ang aking pagsasalaysay dahil ayokong makadagdag sa kanyang masamang nararamdaman ang pag-aalala. Ngunit nakampante naman ako nang maglaon dahil hindi naman ito nataranta at nahintatakutan sa mga nalaman niya.  Hindi rin ito naniniwala na ang mga maharlikang kusinero at kusinera namin ang nagtangkang maglason sa kanya, bagaman naghayag ito ng pagdududa sa mga serbidorang naghahatid sa kanya ng pagkain dahil tila iba't iba raw ang mga ito at hindi niya namumukhaan dahil wala raw umuulit sa paghahatid.

"Hindi ka ba magagalit sa akin kung magmumungkahi ako sa 'yo?" sabi ko, matapos ang huling pagsubo ko sa kanya.

"Ano naman ang imumungkahi mo?"

"Gusto kitang makasama rito araw-araw, ngunit dahil sa mga pangyayaring ito, nahihirapan na ako sa labis na pag-iisip at pag-aalala lalo't hindi pa natin alam kung sino ang—"

Kinurot nito ang ilong ko, "diretsuhin mo na ako Luis," nakangiti naman ito sa akin, "naiintindihan ko naman ang sitwasyon kaya hindi mo na kailangang magpaliwanang ng napakahaba. Ano bang imumungkahi mo?"

"Pasensya ka na, ayoko lang na isipin mong ayaw kitang makasama araw-araw at oras-oras, dahil kung ako ang tatanungin mo, mas gusto kong magkayakap na lang tayo buong maghapon."

Natawa na ito, "ano ka ba, bakit ba di mo masabi nang diretso ang suhestiyon mo?"

"Sige na nga. Naalala mo ba 'yung Sangtwaryo ko? 'Yung bahay-pahingahan ko na pinuntahan natin dati?"

Namilog ang mga mata nito, "'yung nasa tabing dagat na may daungan ng yate, magandang hardin at hitik na taniman ng gulay at mga prutas?!"

"'Yun nga."

"Ano ang tungkol doon?" hindi ko pa man nasasabi'y mababakas sa mukha nito ang pagkasabik na tila alam na nito ang sasabihin ko. Kumukurap-kurap ito na wari ko'y hinihintay na lamang nitong sabihin kong pupunta kami roon.

Pinabitin ko nang saglit ang sasabihin ko, "Uhmmm.."

"Uhhhmmm?" Panggagaya nito sa akin; dilat na dilat pa rin ang mata sa pananabik.

"Uhhmmm..."

Bahagyang piningot na nito ang tenga ko kaya natawa ako. "Anong uuuuhhmmm?"

"Hinding-hindi na tayo pupunta roon kahit kailan."  Biro ko.

Hinampas ko nito sa braso kasabay ng pagsimangot, "nakakainis 'to. hmp."

Pigil-tiyang tinawanan ko muna ito. "Ayos lang ba na doon ka na lamang muna maglagi habang hindi ko pa natutukoy kung sino ang nagtatangka sa buhay mo rito sa Palasyo?"

Sa halip na sumagot ay ngumiti ito na tila umaabot na sa magkabilang tenga.

"Ngunit dahil pribado, sagrado at napakahalaga sa akin ang lugar na iyon at ayokong patirahan iyon sa kahit kanino bukod sa 'yo, ayos lamang ba sa 'yo ang mag-isa roon kapag wala ako?" 

"Hindi ko maaaring isama si Marikit?"

Umiling ako at medyo nag-aalala na hindi ito pumayag.

"Naiintindihan ko." Nakangiting sagot niya na ikinakampante naman ng kalooban ko, "ayos lang sa akin ang mag-isa doon. Kung sa kubo ko nga sa San Gabriel ay ayos lang sa akin ang mag-isa, doon pa kaya?"

Isa ito sa mga katangiang gustong-gusto ko kay Senda. Animo'y salamin ito ng aking pagkatao.  Madali rin itong kausap, walang pasensya sa sa paligoy-ligoy at hindi mahirap pagpaliwanagan.

"May isa pa akong mahalagang sasabihin sa 'yo." Dagdag ko.

"Ano 'yun?"

"Walang dapat makaalam na dadalhin kita roon. Tayong dalawa lamang ang dapat na makakaalam sa plano ko."  Bulong ko rito, "kailangang mapaniwala ko ang lahat na naririto ka pa rin sa palasyo at nakaratay lamang dito sa iyong silid."

"Pero paano mo gagawin 'yun kung wala ako rito? May magpapanggap ba bilang ako?"

Tumango ako.

Napakunot-noo ito, "eh 'di ibig sabihin, hindi tayong dalawa lamang ang nakakaalam sa planong ito? Tatlo ba tayo?"

Umiling ako, "tayong dalawa nga lang sabi eh."

Lalong nagusamot ang mukha nito, "ha?" kinamot nito ang kanyang noo, "kung gano'n, eh sinong magpapanggap bilang ako?"

Nginisian ko ito, "eh sino pa, eh di ako."

"Ikaw? Pero paanong—" pero natatawa ito.

"Basta, 'wag mo nang intindihin 'yun. Ako na ang bahala ro'n."

[ITUTULOY]


Footnotes

(1) Payong-Ahas - Amanita phalloides known as Death Cap in English. A type of poisonous mushroom. Death caps are extremely poisonous and can be seen thoughout the world and typically found in forests growing pm or near trees. The toxins found in death caps and related mushrooms cause 90% of mushroom poisoning deaths worldwide.

(2) Referring to Activated Charcoal or Activated Cardbon, is a fine black powder used in medical settings to treat life-threatening poisoning or overdose.

(3) Referring to the mushroom cap. The top part of a common mushroom.

My Guardian DevilWhere stories live. Discover now