Chapter 30

197 13 8
                                    


Noong araw na iyon ay hapon na ng makaalis si Khaki sa condo ni Rannasha. Paano kasi ay nag tantrums na naman si Khael at nahirapan si Rannasha mag pakalma sa bata. Mabuti na lang at nariyan si Khaki at mabilis pinakalma si Khael.

Ngayong araw ang kasal ng ama ni Rannasha na si Reydon sa nobya nito.

"My God beshy. . . Ang ganda-ganda mo." Pag puri sa kanya ni Amella.

"Ikaw din naman." Tugon ni Rannasha sa kaibigan at ningitian.

Habang nag mimisa ang pari si Khael ay hindi mapakali sa mga hita ni Rannasha. Kalong-kalong ni Rannasha ang bata habang abalang nakikinig sa banal na misa.

"Baby don't be so naughty." Mahinang saway ni Rannasha kay Khael.

"But mommy, I saw daddy. I saw him there." Turan ng bata at nagkakandahaba ang leeg nito.

Lumingon si Rannasha sa dereksiyon kung saan nakatingin at nakaturo ang daliri ni Khael. Sa kanang bahagi ng mga nakahilera na upuan naroon nakaupo ang mga groomsmen at ibang mga bisita.

Muli na sanang ibaling ni Rannasha ang kanyang mga mata sa unahan. Nang mahagip niya ang lalaking nakatitig sa kanya. Mula noong araw na umalis ito sa condo, hindi niya na ito muling naka-usap. Nangunot ang noo ni Rannasha, nagtataka siya kung totoong ex niya ito, bakit parang hindi siya maalala ng lalaki.

Siguro nga ay pinagti-tripan siya ni Amella. Inirapan niya si Khaki dahil hindi siya komportable sa mga titig nito na parang pati kaluluha niya ay sinusuri ng lalaki. "Hirap itanggi, ang gwapo niya talaga." Aniya ni Rannasha sa isip.

Sa isang hotel ginanap ang wedding reception. Nilapitan ni Rannasha ang ama at niyakap sabay beso sa pisngi ni Reydon.

"Congratulations papa. Happy honeymoon." Pagbati at panunukso ni Rannasha sa ama.

"Thank you, anak. Don't worry bibigyan na agad kita ng kapatid." Nakangising wika ni Reydon.

Masayang nakikipag-usap si Rannasha kay Amella at Levent. Patakbong lumapit si Khael sa kanya at pumunta sa ilalim ng table at nagtago sa loob ng suot niyang long evening dress. Sanay na si Rannasha kay Khael dahil madalas itong gawin ng kanyang anak lalo na kapag nagtatago ito.

"Baby. . . Baka mauntog ang ulo mo lumabas ka diyan."

Saway ni Rannasha sa anak at marahang hinaplos ang ulo ng bata.

"Shhhh. . . mommy don't be noisy, daddy might see me."

Mahinang sabi nito sabay hagikhik. Yumakap pa ito sa dalawang binti ni Rannasha.

"Ano daw?"

"Daddy?"

"Sinong daddy tinutukoy niya?"

Sunod-sunod na tanong ni Amella kay Rannasha. Ningisian pa siya nito.

"Wala." Tipid na sagot ni Rannasha sa kaibigan

"Oy! Naglilihim siya. Sino nga?"

"Wala nga, kulit nito."

"Hindi kita titigilan kapag hindi mo sinabi." Pangungulit pa ni Amella.

"Khael, where are you. . ." Binalingan ni Rannasha ang lalaking nag salita sa kanang bahagi niya.

"May kailangan ka? Why are you looking for my son?"

"We play hide and seek." Sagot ni Khaki.

"This place is not a playground."

Muli ay humagikhik si Khael narinig ito ni Khaki. Kaya sa halip na sagutin niya si Rannasha ay nag squat siya.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon