Chapter 19

180 19 2
                                    

             Read at your own risk!





While Khaki kisses Rannasha on the lips. One of his hands was gently caressing Rannasha's back. Khaki's hand slowly crept towards Rannasha's neck.

Hinawakan ni Khaki ang batok ni Rannasha at mas lalo pang idiin ang kanyang labi sa labi ni Rannasha. Maya-maya lang ay pinisil ni Khaki ang batok ni Rannasha. Biglang nawalan ng malay si Rannasha maagap naman na sinalo ni Khaki ang walang malay na katawan ni Rannasha.

Pinatay niya ang shower at inabot ang towel. Ibinalot niya ito sa hubad na katawan ni Rannasha.

"I'm sorry, baby, but this is not the right time and place for us to do this." Khaki whispered.

Binuhat niya si Rannasha papalabas ng bathroom. Dahan-dahan niyang inihiga si Rannasha sa kama. Pinunasan niya ang basang katawan at buhok ni Rannasha. Kumuha siya ng white polo long sleeve sa kanyang maleta at isinuot kay Rannasha.

Pagkatapos suklayin at patuyuin ni Khaki ang buhok ni Rannasha ay tinawagan niya si Jovani. Bago lumabas ng kwarto ay kinumutan ni Khaki si Rannasha. Nang dumating si Jovani ay sandaling nagpaalam si Khaki. "Don't leave here. Rannasha might wake up and come out suddenly." Bilin ni Khaki sa tauhan.

"Yes boss,"

Sagot ni Jovani sabay yumuko sa harapan ni Khaki.

Nagtungo si Khaki sa kabilang gusali ng hotel ng resort. Naroon sa rooftop ginanap ang birthday party ni Indigo. Dumating din kaninang hapon ang iba pa nilang ng kaibigan.

Mahinang tugtog ang sumalubong kay Khaki. Marami ang babaeng naririto karamihan ay foreigners. Namataan ni Khaki si Maverick na may kausap na babae. Kumunot ang noo ni Khaki ng makilala kung sino yung babae, si Fryne.

"What is that girl doing here?" Mariing wika ni Khaki. Mabilis humakbang si Khaki papunta sa dereksyon ni Maverick. Kinalabit niya ang kaibigan. "Si Amella?" Tanong niya rito ng lumingon ito sa kanya.

"She is in the room. Don't worry because she is already asleep." Sagot ni Maverick.

Hinila ni Khaki si Maverick palayo kay Fryne na hindi manlang niya pinansin kahit binati at nagpapa-cute ito sa kanya. Maganda at sexy si Fryne kung tutuusin nga ay medyo may pagkakahawig si Fryne kay Rannasha. Pero para sa kanya, wala ng hihigit pa kay Rannasha. Para kay Khaki, si Rannasha ang pinakamagandang babae na nakilala niya. Kahit noong bata pa si Rannasha ay hindi maitatanggi na maganda talaga. Lalo na ngayong dalaga na ito, lalo pang lumitaw ang kagandahan ni Rannasha.



"Wala ka naman sigurong ginawang kamanyakan kay Amella. " Wika ni Khaki ng makarating sila sa pasilyo.

"Gago, oo aminado naman ako, na manyakis ako, pero may respeto ako sa babae."

"Talaga lang ha? Nagawa mo ngang halayin ang isang babaeng walang kalaban-laban sa'yo, dahil diyan sa kalibugan mo." Kastigo ni Khaki kay Maverick at bahagyang hinampas ng palad niya ang tiyan ni Maverick.

"Tsk! Ako nga yung muntik halayin ng Amella na iyon. Akalain mo naghubad siya ng damit sa harapan ko. Mabuti na lang, kalmado ang alaga ko." Nakangising wika ni Maverick.

"Tarantado. What if, totoo ang hinala mo? Anong gagawin mo kapag, siya nga yung babaeng nakasiping mo, that night?"

"I don't know. Kamukha lang siya ni Atarah, pero hindi siya yung babaeng minahal ko. Ayokong magkaroon ng problema. Isa lang pinagdadasal ko, na sana hindi siya yung babaeng nakasiping ko noong gabing iyon. Dahil ayoko magkaroon ng responsibilidad sa kahit kaninong babae. Kahit kay Amella." Wika ni Maverick. Hindi nagustuhan ni Khaki ang naging sagot ng kaibigan.

Temptation of Rannasha Where stories live. Discover now