Chapter 13

167 15 10
                                    

Sa opisina.

Abalang nag-uusap si Khaki at ng kanyang secretary sa loob ng opisina. Biglang may kumatok sa pinto at dahil bukas at medyo naka-awang ang pinto ay nakita ni Khaki ang nasa labas ng pinto.

Si Amaro ang secretary ng kanyang ama. "Come in. Do you need anything, Mr. Zarosa?" Tanong ni Khaki sa lalaki.

"Sir, I just want to give it to you." Sabay abot kay Khaki ang isang envelope na may katamtamang laki.

Kumunot ang noo ni Khaki at tinanggap ang envelope. "What is this? Who gave it?" Nagtatakang tanong ni Khaki.

"I don't know. Inabot lang rin sa akin yan ng guard kanina doon sa lobby." Sagot ni Amaro.

"Thank you." Pasalamat ni Khaki at binuksan na ang envelope.

Pagkakita palang ni Khaki nang unang picture ay nagtagis na agad ang bagang niya. Tumiim ang labi niya sa inis at galit. Napansin naman ito ng secretary niya kaya nagtanong ito.

"Sir, okay ka lang ba?"

Mariing naikuyom ni Khaki ang kanyang kamao ngayong oras parang gusto niyang manapok ng tao.

"Lumabas ka!" Matigas na utos ni Khaki sa secretary niya.

Tumalilis naman palabas ng opisina ang lalaki sa takot na baka siya pa pagbalingan ng inis ni Khaki.

"Fvck!" Mura ni Khaki at nilukot ang mga picture gamit ang isang kamay niya.

"Simula bata pa lang nililigawan ko na si Rannasha, tapos hahalikan lang siya ng hinayupak na lalaking iyon? I'm sure itong mga picture na‘to? galing kay kuya Styles. Sa palagay niya magigiba niya ang pagmamahal ko kay Rannasha. Tsk! nagkakamali siya. Damn it Rannasha! Sa oras na umuwi ka dito itatanan na talaga kita!" Inis na wika ni Khaki at padabog na tumayo mula sa pagkaka-upo sinipa niya pa ang swivel chair. Sa lakas ng pagkakasipa niya dito ay natanggal pa ang isang gulong ng swivel chair.

Nang makalabas si Khaki ay pabalya niyang sinarado ang pinto ng kanyang opisina. Lahat tuloy ng mga babaeng empleyadong naglalakad sa pasilyo ay napatingin kay Khaki. "What! What are you looking at! Go back to your work!" Singhal niya sa mga ito.

Tarantang nagsi-alisan ang mga ito at kanya-kanyang nagsipasukan sa mga kani-kanilang opisina.

Kinagabihan. Sa Phoenix Bar tumuloy si Khaki naroon na rin ang mga kaibigan niya siya nalang ang wala. Tuwing gabi ay nagpupunta si Khaki sa nasabing bar upang magpagpag ng kanyang stress at pagod dahil sa pagtatrabaho. Ngayon nandito siya upang magtanggal ng sama ng loob. Oo masama ang loob niya dahil sa mga larawan na dumating kanina. Nagdadamdam rin siya kay Rannasha, bakit gano‘on nalang pagbigyan ang lalaking iyon para halikan siya sa pisngi. Kahit pisngi lang iyon nagseselos siya mag pasalamat ang lalaking iyon dahil wala siya roon kung hindi baka dinurog niya na ang mukha ng lalaking yun.


Nang maupo si Khaki sa single couch ay may babaeng kumalong sa hita niya. Nabigla pa siya pero hindi na siya nagreklamo hinayaan niya lang ito umupo sa hita niya.

Hinanap ng mga mata ni Khaki si Maverick pero parang wala pa ito. Nasaan kaya ang magaling niyang kaibigan.

Maya-maya'y dumating si Maverick nakasimangot ito ang mukha nito ay hindi maipinta. Pansin ni Khaki ang labis na lungkot sa mga mata ni Maverick, ano kaya ang problema ng kaibigan. Hindi siya sanay na ganito ito, kilala niya itong masayahin.

Kinuha ni Khaki ang wine glass na may lamang alak at nilagok iyon.

"You look stressed, baby." Aniya ng babaeng naka-upo sa isang hita ni Khaki. Pinulupot ng babae ang dalawang braso nito sa leeg ni Khaki.


Temptation of Rannasha Where stories live. Discover now