Chapter 28

153 11 9
                                    

Winter season ngayon dito sa Europe kaya sobrang lamig. Sasusunod na mga buwan ay babalik na si Rannasha sa pilipinas. Kasama ang kanyang ama na si Reydon, dahil ikakasal ang kanyang papa sa batang nobya na naiwan sa pilipinas.

Nakatingin si Rannasha sa labas ng malaking bintana, habang pinagmamasdan ang  pagbagsak ng butil ng snow. Naka-upo si Rannasha sa single couch at sumisumsim ng hot chocolate sa mug na hawak nito.

Tatlong taon din silang namalagi ng kanyang ama dito sa Europe. Pero si Reydon ay paminsan-minsan ay umuuwi ng pilipinas dahil din sa negosyong naiwan doon. Isa pa naroon din sa pilipinas ang nobya ng kanyang ama. Noong nakaraang buwan lamang ay nakilala niya ang babae, dahil nag bakasyon ito sa Europe ng isang buwan. At dito sa mansion ng kanyang ama tumuloy, maganda at mas bata ng doble Ang edad sa kanyang ama. Kung hindi siya nagkakamali at baka ka-edaran niya lang.


Papikit na sana ng mata si Rannasha ng biglang may kumatok sa labas ng pinto ng kwarto niya.

Tumayo si Rannasha at hinayon ang pinto at binuksan.


"Good afternoon, miss Rannasha. I'm sorry to bother you. But there is a woman looking for you downstairs."

Imporma ni Rosalinda. Pilipina rin ito at ito ang caretaker ng mansion na ito. Bahagyang kumunot ang noo ni Rannasha wala siyang inaasahan na bisita. Wala siyang kaibigan dito sa Europe dahil hindi naman siya masyado naglalalabas ng bahay. Binalingan muna ni Rannasha ang malaking kama kung saan nakahiga si Khael. Mahimbing ang tulog nito at mahinang humihilik pa.

"I don't expect any visitors today. And papa didn't even mention to me that there was a visitor coming." Aniya ni Rannasha at lumabas ng pinto. Dahan-dahan niyang sinara ang pinto upang hindi makalikha ng ingay.








"The girl said she is your best friend." Rosalinda said.


"Okay, I'll go down. Thank you ate Rosalinda." Pasalamat ni Rannasha sa babae.

Pababa si Rannasha sa mahaba at medyo pakurbada na hagdan ng makasabay niya ang pinsan na si Levent. Inakbayan siya nito at sabay ngisi sa kanya. Tinaasan niya ito ng kilay at inirapan. Halatang bagong gising ito dahil magulo pa ang buhok naka-boxer pa.

"Saan ka naman galing kagabi? Ikaw Levent ah, magkasakit ka nga ng AIDS, dahil diyan sa pambababae mo. Bakit hindi ka nalang kaya mag asawa." Pagalit na wika ni Rannasha sa pinsan.

"Ang pag-aasawa ay wala sa isip ko pinsan. I enjoy my life. When I get married I won't be happy. I don't want anyone to under me. Ako lang dapat ang nasa ibabaw nila, at kumikilos."

"Yuck! Ang bastos talaga ng bibig mo Levent. Panindigan mo yang sinabi mo na hindi ka-mag aasawa." Saad ni Rannasha.

Nang tuluyan silang makababa ay dumeretso si Rannasha sa malawak na Living room. At si Levent naman ay tumungo sa kusina.

Nadatnan niya ang isang babaeng nakatayo sa harap ng malaking portrait na nakasabit sa wall. Malapit sa heatilator fireplace. Nakasuot ito ng winter long coats na kulay maroon.

Nakatalikod ang babae kaya hindi niya makita ang mukha nito.

"Ahem!"

Tumikhim siya at doon humarap ang magandang babae  at matamis na ngumiti sa kanya.

"Rannasha. . . Beshy!"

Nabigla si Rannasha ng tumili ang babae at tumakbo palapit sa kanya at niyakap siya nito ng mahigpit.

Muntik pa siyang mawalan ng balanse. "Oh My Gosh! I miss you so much. Maigi na lang dahil binigay sa akin ni tito Styles ang address mo." Masayang sabi ng babae. Bakas sa mata at mukha nito ang labis na kasiyahan.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon