Chapter 27

150 14 5
                                    

"Fryne!"

Malakas na sigaw ni Louisville ng makapasok sa mansyon ng mga Vega.

"Fryne !" Muling Sigaw ni Louisville.

"Ano bang problema mo ? At nagsisigaw ka diyan. Baliw !" Wika ni Marietta ang ina ni Fryne.




"Nasaan ang magaling mong anak ! Ilabas mo !" Bulyaw ni Louisville.


"Sinisigawan mo ako? Wala kang respeto sa nakakatanda sa'yo!"

"Saka mo na ako sabihin ng walang respeto. Kapag sinampal kita kasama ng anak mo !" Sagot ni Louisville.

"Aba't. Wala ka talagang modo! Dito pa sa sarili kong bahay, binabastos mo ako!" Asik ni Marietta.

"Louisville! Bakit mo inaaway si mommy. Wala kang karapatan sigaw- sigawan si Mommy." Tinig mula ka Fryne.



Biglang nandilim ang paningin ni Louisville at nilapitan si Fryne. Hindi napaghandaan ni Fryne ang sunod na ginawa ni Louisville.


Pak! malakas na sampal sa mukha ang natanggap ni Fryne mula kay Louisville. Hinila ni Louisville ang buhok ni Fryne.

"Ah! Aray ! Bitawan mo ako! Louisville!" Tili ni Fryne. At pilit na kumakawala mula sa pagkakasabunot sa kanya ni Louisville.

Hinila ni Louisville si Fryne palabas ng mansion.

"Hoy ! Bruha bitawan mo ang anak ko. Makakarating ito sa tito mo malalagot ka!"

Binalingan ni Louisville si Marietta at matalim na tingin ang pinukol nito kay Marietta.



"Bibitawan mo ang braso ko, o babalatan ko ang buong mukha mo!"

Napaatras si Marietta dahil sa paraan ng pagtitig ni Louisville. Masama pa naman ito magalit baka totohanin nito ang sinabi.



"Ano bang problema mo!" Sigaw ni Fryne.



"May kinalaman ka sa nangyari kay Rannasha at Khaki." Akusa ni Louisville.

Mariing napalunok si Fryne sa sinabi ni Louisville.

"Ba-bakit a-anong nangyari kay Khaki at Rannasha?" Tanong ni Fryne kay Louisville.

Pinagkatitigan ni Louisville ang mata ni Fryne. Bakas mata ni Fryne ang kaba. Ngumisi si Louisville sigurado siyang may kinalaman itong si Fryne.

"Huwag ka ng magkaila Fryne. I know you did something."


"Don't accuse me of something I didn't do. You have no proof !" Matapang na wika ni Fryne.





"Really? Matapang ka ha. Don't make a fool of me." Muli ay sinapok ni Louisville ang mukha ni Fryne. Napaluha si Fryne dahil sa sakit para siyang hinambalos ng dos por dos sa mukha. Dumugo rin ang ilong nito.

"Ipagdasal mo na walang mangyaring masama kay Khaki, lalo na kay Rannasha. Dahil ako mismo ang papatay sa'yo, Fryne. Hindi ko na protektahan si ate Annastasha laban sa daddy mo. Pero, sisiguraduhin ko ngayon na poprotektahan ko si Rannasha, laban sayo. Kilala mo ako, Fryne. Wala akong sinasanto, kahit pamilya ko pa binabangga ko. Kapag mali, mali ! Sa ngayon palalampasin ko itong ginawa mo. Hihintayin ko ang araw na mga Montenegro mismo at si Reydon Scherrer ang makatuklas sa ginawa mo. Kilala mo kung paano magalit ang mga Montenegro. Walang halaga sa kanila ang buhay ng ibang tao, kapag mahal nila ang kinanti mo. At iyang buhay mo, walang halaga yan sa mga Montenegro. Good luck sayo."



Bago umalis si Louisville ay sinampal n'ya muli si Fryne.

"May araw ka rin sa akin Louisville." Mariing saad ni Fryne.

Temptation of Rannasha Where stories live. Discover now