Chapter 7

177 15 2
                                    

Lumipas ang isang linggo ay si Vance ang nag hatid sundo kay Rannasha. Si Khaki naman ay halos patayin sa titig si Vance sa tuwing sinusundan niya ang dalawa kung saan ang mga ito magpunta.

Tulala si Khaki sa opisina niya ang mga mata nito ay nakatuon lang sa isang bagay. Doon sa picture frame ni Rannasha na nakapatong sa table wooden desk niya.

"God damn it! I'm going crazy thinking about you, Rannasha." Mariing wika ni Khaki. Napasabunot siya sa kanyang sarili, at muling tumitig sa larawan ni Rannasha.

Pumasok si Maverick sa opisina ni Khaki ng hindi manlang naramdaman ni Khaki ang presensya ng kaibigan.

Tulala sa isang tabi at
hindi mapakali

Ating nakaraan
minumuni-muni

Di lubos maisip bakit
nagkalayo

Kaya ngayon ako'y
isang bigo

Kanta mula kay Maverick. Nakangisi pa ang loko ng maupo ito sa silya.

Matalim na tinitigan ni Khaki ang kaibigan. "Shut the fuck up man!" Angil ni Khaki rito.

"Tsk! Alam bro kaysa sa mag mukmok ka diyan, at sa halip na iwasan mo si Rannasha. Bakit kaya hindi mo nalang lubusin ang natitirang araw na makasama mo si Rannasha. Malapit na siyang umalis." Wika ni Maverick.

"May usapan kami ni ate Xyrish na iiwasan ko muna si Rannasha. Ayoko na pati si ate Xyrish ay magalit sa akin."

"Sa ginagawa mo lalong lalayo ang loob sa'yo ni Rannasha. Huwag mong alalahanin ang usapan n'yo ni ate Xyrish. Ang isipin mo baka pagbalik dito ni Rannasha dito mula sa america ay wala ka ng puwang sa puso niya. Tandaan mo Khaki magandang bata si Rannasha. Ngayon pa nga lang may naghahabol na sakanya. Paano pa kaya pagtungtong niya ng tamang edad, baka marami ka ng maging makaribal. Nakarating sa akin na pinopormahan ni Vance Buenaventura si Rannasha, at hinahayaan mo lang."

"E, gusto niyang makipagkaibigan sa lalaking yon. Anong gusto mong gawin ko? Nagagalit nga sa akin si Rannasha." Frustrated na sabi ni Khaki

"So ano, mag papatalo ka nalang ba sa Vance Buenaventura na yun?"

"Fuck no!" Matigas na wika ni Khaki.

"Alam mo mabuti pa sumama ka sa akin mamayang gabi."

"Where?"

Tanong ni Khaki sa kaibigan nito. "Sa bahay nila kuya Styles. Wedding anniversary nila ngayon ni ate Xyrish. Pa-despedida party na rin nila para kay Rannasha." Sagot ni Maverick.

"Bakit imbitado ka ba?"

"Hindi. Pero tinawagan ako ni Rannasha kanina, at inimbitahan niya ako. Pupunta ako at dapat sumama ka."

"Ayoko. Wala akong oras at marami pa akong gagawin dito sa opisina." Pagtanggi ni Khaki sa kaibigan.

"Ulul! I know you want to see Rannasha. So, stop being stubborn." Anas ni Maverick.

May kumatok sa pinto ng opisina ni Khaki. Bahagyang bumukas ito at sumilip ang ulo ng isang lalaki mula sa labas.

"What?!"

Iritadong tanong ni Khaki sa secretary nitong lalaki.

"Sir, miss Rannasha is here." Sabi ng secretary ni Khaki.

Dahil sa narinig Khaki ay bigla siyang napatayo mula sa pagkaka-upo.

"She's here? What is she doing here?" Wika ni Khaki sa kanyang isipan.

Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon