Chapter 11

168 14 8
                                    

"Kuya Khaki, where are we going?" Rannasha asked Khaki.

Mahigit isang oras na rin binabaybay nila Rannasha ang kalsada. Hindi niya alam kung saan sila pupunta dahil alam niyang hindi pa ito ang daan pabalik ng manila.

Khaki turned to Rannasha and smiled.

"To my mommy. I want to see her." Khaki replied to Rannasha.

Biglang naguluhan si Rannasha sino ang mommy na  tinutukoy nito?

"To your mommy? Kay tita Finna?" Tanong ni Rannasha.

"No, to my real mother."

"Hindi si tita Finna ang totoo mong mommy? Paano nangyari yun?" Puno ng katanungan sa boses ni Rannasha.

"Long story Rannasha." Wika ni Khaki.

Tumango nalamang si Rannasha ayaw niya na mag tanong ng kahit ano, tungkol sa ina ng lalaki. Baka kasi hindi komportable si Khaki pag-usapan ang personal na buhay nito.

Bago tumuloy sa bahay ng kanyang ina ay, dumaan muna sila sa isang flower shop upang bilhan ng sunflower ang ina. Paboritong bulaklak ito ng kanyang ina.

Lumiko ang sasakyan sa kaliwang  kalsada medyo paakyat ang lugar. Ngunit hindi naman ito nakakatakot daanan. Ilang sigundo ang lumipas ay narating nila ang isang gate na may katamtamang laki.

Bumusina ang driver ni Khaki unti-unting bumukas ang gate isang matandang lalaki ang nag bukas nito.

Dahan-dahan pumasok ang kotse sa loob ng pavilion.

Nang huminto ang sasakyan unang bumaba si Khaki at inalalayan makababa si Rannasha.

Pumikit si Rannasha at ninamnam ang sariwang hangin. Rinig na rinig niya ang bawat huni ng iba't-ibang uri ng ibon, na animo’y nag aawitan.

"Ang ganda naman dito, at ang fresh pa ng hangin." Aniya ni Rannasha.

Hinawakan ni Khaki ang kamay ni Rannasha at tinangay patungo sa pinto ng isang malaking bahay. Hindi man ito kasing laki ng kanilang mansion pero masasabing maganda ito.

Sa pinto ng bahay ay may isang babaeng nakatayo roon at tinatanaw na sila. Kumaway ang babae kay Khaki hindi mawari ang ngiti nito sa labi ng makita si Khaki.

Bahagyang kumunot ang noo ni Rannasha ng makalapit sila, dahil halos makalbo na ang buhok ng babae. Payat na payat na rin ito na kulang na lang ay lumabas sa kanyang balat ang buto nito sa braso.

Nakaramdam ng awa si Rannasha para sa babae. Namumutla ang labi nito at nanunuyo na, ang mga mata nito na lubog na dahil sa sobrang payat ng mukha. Siguro kung wala itong sakit ay masasabi ni Rannasha na magandang babae ito. Ngumiti ang babae kay Rannasha nag aalalangan pa ito, kung lalapit kay Rannasha o, hindi.

Kusang lumapit si Rannasha sa babae at yumakap dito ng mahigpit.

Nabigla ang babae hindi nito inaasahan ang pagyakap ni Rannasha sa kanya.

"Hello po, ako po si Rannasha." Nakangiting sabi ni Rannasha sa babae."

"Kamusta ka naman iha? Ako nga pala si Kilda." Pakilala ng babae.

"Okay lang po ako." Sagot ni Rannasha.

"Halika pasok ka iha, mag kwentuhan tayo." Nakangiting inakay ng babae si Rannasha papasok ng sala.

Si Khaki ay naiwang nakatanga sa pinto dahil hindi manlang siya pinansin ng kanyang ina. Ano siya hangin?

"Ma, I'm here too." Aniya ni Khaki.

Pero parang walang narinig ang kanyang ina. "Maupo ka iha, gusto mo ba ng juice or cake." Kahit hirap ang babae mag salita ay pilit itong nakikipag-usap kay Rannasha.

Temptation of Rannasha Where stories live. Discover now