Chapter 29

224 16 9
                                    







Hindi natuloy ang planong pagpunta ni Rannasha at Amella sa bar noong gabing iyon. Nilagnat kasi si Khael dahil sa kakakain ng ng ice cream. Sumakit ang lalamunan ng bata at parang uubuhin. Bago kasi sila umalis ng mall ay nagpumilit ang bata na gusto pang kumain ng ice cream. Umiyak na naman ito kaya walang nagawa si Rannasha kundi bilhan muli ng ice cream si Khael.











Mahimbing ang tulog ni Rannasha ng magising siya sa tunog ng cellphone niya.

"Hello?"



[ Hi darling, can i ask you a favor? ]




"Ano po yun papa?"

[ I have some papers to send to your condo. Can you give it to Mr. Montenegro? I have a meeting with Mr. Montenegro. May taong mag hahatid sa condo mo at ipagmamaneho ka na rin. ]

Ilang sandali natigilan si Rannasha ng marinig ang apelyido na binanggit ng kanyang ama.

"Montenegro? seems familiar to me." 

Turan ni Rannasha sa isip niya. [ anak, are you still there? Okay lang ba? Masyado akong kapos sa oras. ]

"Umm, yes po. Of course, papa." Sagot ni Rannasha sabay tingin sa wall clock ng kanyang kwarto. Alas-otso trenta na ng umaga.

[ Thank you Darling. I'm very busy now, and I don't have time to meet with Mr. Montenegro. ]

"No worries papa. Ako na ang bahala."

Isang linggo ng abala si Reydon dahil nalalapit na ang kasal nito.

Mabilis bumangon si Rannasha sa kama at tinakbo ang cr. Nang matapos siyang maligo agad siyang nag bihis.

Lumabas si Rannasha sa kwarto niya sa living room ay nadatnan niya ang isang katulong at yaya ni Khael. Nag uusap ang dalawa habang nag lilinis.

"Good morning, ma'am Rannasha."

Nakangiting bati sa kanya ng dalawa. "Good morning din. Umm, aalis ako ngayon. Kayo muna ang bahala kay Khael, natutulog pa naman siya siguro."

"Opo ma'am tulog pa si Khael."

"Huwag po kayo mag alala ma'am. Kami bahala kay Khael, tatawag po kami mamaya." Wika ng dalawa.

"Salamat ha,"

Saktong may nag doorbell sa labas. Siguro ay ang tauhan na ito ng kanyang ama. Binuksan niya ang pinto bumungad sa kanya ang matangkad na lalaki na may hawak na black plastic folder. Medyo moreno pero makinis ang balat at gwapo. Ilang sigundo nakatulala si Rannasha sa mukha ng lalaki ang gwapo kasi nito. Para itong may lahing latino ang perpekto ng hugis ng mukha.





"Ahem!"

Napakurap si Rannasha ng marinig na tumikhim ang lalaki siguro ay mukhang tanga na siya sa harap ng lalaking ito. Medyo nakakunot pa ang noo nito habang nakatitig sa mukha niya.

"Hi, ikaw ba yung tauhan ni papa at magiging driver ko ?"

Tanong ni Rannasha sa lalaki na naiilang paano kasi titig na titig ito sa kanya.

"Excuse me ? Mukha ba akong tauhan at driver  para sayo? Masyado akong gwapo para maging driver." Aniya ng lalaki at ngumisi.

Oo nga naman may punto ang lalaki hindi ito bagay maging driver at tauhan lang. Pag-momodelo ang bagay dito. Kahit medyo naging mahangin ang lalaki sa harapan niya ay napahiya siya. Mapagkamalan ba naman niya itong driver.






"Sorry . . . Sino ka ba ?"

"I'm Ledger. Nakakatandang kapatid ako ng fiance ng papa mo."

"Ows ? Hindi nga?" Hindi makapaniwalang sabi ni Rannasha.


Temptation of Rannasha Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon