Chapter 22

178 9 1
                                    

"Apo, kailan mo balak mag asawa?Trenta y-uno kana, pero walang nakakarating sa akin na nagka-nobya ka. Anong balak mo sa buhay mo? Kailangan mo paramihin ang lahi natin. Gusto ko makita ang magiging apo namin sa tuhod, mula sayo." Wika ng abuelo, na ama ni Kaden na si Don Lucio.

Nasamid si Rannasha habang nilulunok ang pagkain sa kanyang bibig. Dahil sa tinuran ng lolo ni Khaki.

Agad kinuha ni Rannasha ang baso na may lamang tubig sa harapan niya, at tuloy-tuloy na nilagok. Bumaling si Rannasha kay Khaki. Trenta y-uno na siya? Hindi halata! Wika ni Rannasha sa kanyang isipan.

"Lolo papa, nililigawan ko palang ang babaeng magiging nanay ng  mga anak ko. But I assure you that you will see your future grandson in me." Nakangiting sabi ni Khaki at tinapunan ng tingin si Rannasha.

"And who is the lucky girl?" Saad ni Doña Margarita ang asawa ni Don Lucio.

"Kaya nga, ipakilala mo naman siya sa amin." Sigunda naman ng isang pinsang lalaki, ni Khaki.

Si Rannasha ay nanatiling tahimik na kumakain sa tabi ni Khaki. Namamawis ng malamig ang dalawang palad niya. Matagal na siyang kilala ng mga Montenegro. Ang alam ng mga ito ay kapatid lang ang turingan ni Khaki at Rannasha. Paano kung tumutol ang mga ito at ayaw sa kanya ng pamilya ni Khaki? Adopted siya ni Styles. Mag pinsan si Khaki at Styles, kaya sigurado para sa mata ng pamilya ni Khaki ay mali. Kung tutuusin ay parang tiyuhin niya na si Khaki dahil sa agwat ng kanilang edad. Bahagyang ipinilig ni Rannasha ang ulo niya , bakit naman siya kakabahan? E, hindi naman sila magkadugo ni Khaki. Anak siya ni Reydon Scherrer, at hindi totoong Kingston. At kung humadlang man ang pamilya ni Khaki sa magiging relasyon nila. Handa niyang ipaglaban si Khaki.

"Si Rannasha." Seryosong sabi ni Khaki at deretsong tumingin kay Rannasha. Domoble ang lakas ng kabog ng dibdib ni Rannasha dahil sa labis na kaba.

"Hey! Bakit mo sinabi? Baka katayin ako ng pamilya mo." Mahinang bulong ni Rannasha kay Khaki.

Ngumisi si Khaki kay Rannasha. "Relax baby." Bulong ni Khaki sa tainga ni Rannasha.

Lahat ng kamag-anak ni Khaki na naroon ay napatingin sa kinauupuan ni Rannasha. Si Kaden, Finyx, at Ella lang ang hindi na gulat sa sinabi ni Khaki.

"Expected..." Saad ni Ella at sumubo ng pagkain.

"Siya?" Hindi makapaniwalang sabi ng Doña Margarita.

"Yes, lola." Sagot ni Khaki at hinawakan ang kamay ni Rannasha at bahagyang pinisil.

Seryosong nakatitig si Doña Margarita kay Rannasha. At ilang sandali lang ay matamis na ngumiti ang matanda kay Rannasha.

"Yes! Sinagot ng Diyos ang panalangin ko!" Tili ni Doña Margarita at pumalakpak. "Sabi ko na nga ba at liligawan mo rin ang batang yan. Magaling ka pumili apo, I like her." Wika muli ni Doña Margarita.

"I like her for Khaki too. Kaya iha, sagutin mo na si Khaki. You won't regret choosing him. Kind and loving son. And I know he will be a loving boyfriend, and husband in the future. So take him home." Saad ni Finna.

Bahagyang napahalakhak si Khaki dahil sa itinuran ni Finna. "Mommy parang ipinamimigay mo na ako." Pabirong sabi ni Khaki kay Finna.

"Kailangan ka na namin ibenta kay Rannasha, aba! Khaki, hindi ka pabata. Tumatanda ka na, kailangan mo na bumuo ng sariling pamilya." Dagdag pa ni Finna.

"Darating din tayo diyan mommy." Aniya ni Khaki.

Masayang natapos ang simpleng salo- salo sa mansion ni Don Lucio. Nag paalam na rin si Rannasha at Khaki.

Temptation of Rannasha Where stories live. Discover now