Chapter 26

139 10 8
                                    









Nangunot ang noo ni Khaki ng makapasok sila si dining area. Laking pagtataka niya bakit naririto ang pamilya niya. Anong meron?

Napalunok si Khaki nang mahuli n'ya ang titig sa kanya ni Reydon. Pero mas kinabahan siya sa matalim na titig ni Styles. May nagawa na naman ba siyang mali ?

Bumaling si Khaki kay Rannasha nagtatanong ang mata nito. Ngumiti si Rannasha at hinawakan ang isang  kamay ni Khaki at pinagsalikop ang kanilang mga daliri. Marahang pinisil ni Rannasha ang kamay ni Khaki upang pakalmahin.

"Oh, iho. Halika na kayo ni Rannasha at kumain. May mahalaga raw sasabihin si Reydon." Wika ng Doña Margarita.

Mag katabing naupo si Khaki at Rannasha. Pinagsandukan ng kanin at ulam ni Rannasha ang binata.

Ganun rin ang ginawa ni Khaki pinagsilbihan niya ang dalaga. "Thank you, baby." Matamis na ngumiti si Rannasha sa binata.

"I love you." Tugon ni Khaki at bahagyang tinaas ang isang kamay ni Rannasha at pinatakan ng pinong halik ang likod ng palad ni Rannasha.

Hindi maiwasang kiligin si Finna, Xyrish at Doña Margarita dahil sa pagiging romantiko ni Khaki. Nag init tuloy ang buong mukha ni Rannasha at pinamulahan ng pisingi.

Nang matapos kumain ang lahat ay tumikhim si Styles at tumingin kay Reydon.

"Maaari mo na bang sabihin sa’min kung anuman iyang gusto mong sabihin, Reydon." Wika ni Styles.

"Actually, wala akong sasabihin. But Rannasha wanted to say something. Rannasha anak, You can tell them. Don't be nervous, I'm here."

Huminga muna ng malalim si Rannasha bago tiningnan isa-isa ang mga taong naririto sa harap ng hapag.

Na-tense bigla si Rannasha sa titig sa kanya ni Styles at Xyrish. Pati tuloy si Khaki ay nahawa at nakaramdam ng nerbyos sa kung anong sasabihin ni Rannasha. Inabot niya ang baso na may lamang tubig at nilagok iyon.

"Ahm, mommy, daddy. Bu--buntis po ako. . ."

Dahil sa narinig ni Khaki ay parang bumara sa lalamunan niya ang tubig. Matagal bago nagproseso sa utak ni Khaki ang sinabi ni Rannasha. Kahit ang ibang naroon ay gulat at hindi makapaniwala sa ibinalita ni Rannasha.

"Wait, what?! How ?" Bulalas ni Styles .

"Buntis po ako." Pag-uulit ni Rannasha.

Sa wakas ay patagumpay  nalunok ni Khaki ang tubig at hindi siya nasamid.

Bumaling si Khaki kay Rannasha at malapad na ngumiti. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig ilang beses niya rin tinangkang pasukan si Rannasha para mabuntis na ito, at hindi na maagaw  ng iba. Pero lagi lang sablay, akala n'ya nga ay baog siya. Pero ngayon ay walang pagsidlan ang kasayan na nararamdaman niya.

"Bu--buntis ka baby ?" Hindi makapaniwalang wika ni Khaki para itong maluluha dahil sa saya.

"Kakasagot mo lang sa kanya, buntis ka na ?" Bakas sa boses ni Styles ang pagka-dismayado nito para kay Rannasha.

"So--sorry po Daddy." Nagbabadya ng tumulo ang luha ni Rannasha.

Padabog na tumayo si Styles at mabilis tinungo ang kinaroroonan ni Khaki. "At ikaw, halika rito. Ngingiti-ngiti ka pa riyan na parang aso." Wika ni Styles at kwenilyuhan si Khaki at hinila patayo.

"Styles! Huwag mo sasaktan ang anak ko !" May pagbabanta sa boses ni Kaden.

"I'm sorry tito Kaden pero, gago tong anak mo." Sagot ni Styles.

"Daddy !" Napasigaw si Rannasha ng kaladkarin ni Styles si Khaki palabas ng dining area.

"Jusmeyo !" Biglang naibigkas ni Doña Margarita.

Temptation of Rannasha Onde as histórias ganham vida. Descobre agora