CHAPTER 21

378 14 6
                                    

Nang makalapit na kami sa pinaka gilid ng building ay dito namin nakita sila patrick na nag ha-hand sign na palalapitin nila kami sa kanila, kaya doon kami tumakbo sa lugar kung nasaan sila nakatayo.

Nang makalapit na kami ay agad naman silang tumakbo sa harapan at sa gilid ay may hagdan papuntang 2nd floor.

Agad naman kaming umakyat sa 2nd floor tsaka kami pumasok sa room kung nasaan nandoon ang mga masisigang mga lalaki at limang babae.

“Hello bro, nagkita nanaman tayo haha!“ Sabi nung boss nila.

Nabigla naman ako sa nakita ko, kaya tumingin ako kay Patrick at nagsalita siya.

“Mamaya ko na ipapaliwanag, pumasok na muna kayo!“ Sabi niya.

Dahil nga may tama ako sa balikat ay pumasok nalang ako, baka maabutan pa kami nung babaeng guard kasabay ng paagsara ng pinto at dito nga ay dumikit kaming lahat sa pader, yung iba ay sa likod ng pintuan para pag tumingin yung babaeng guard sa bintana ay hindi niya kami makikita.

Ilang segundo nga'lang ang lumipas ay hindi nga kami nagkakamali at dumaan nga yung guard sa room na naglalakad habang nakatingin sa bintana.

Napatitig naman yung mga sigang lalaki sa hitsura nung babaeng guard.

“Wow! Yan ba ang kalaban natin?“ Mangha niyang sabi, dahil bukod sa namumutla na si lady guard ay umiitim na rin ang labi niya.

Walang sumagot sa kanya at dito nga ay nagsalita ang lady guard.

“May nakita ba kayong mga lalaking tumatakbo dito!?“ Tanong nung lady guard.

Agad naman silang natawa at sumagot.

“Wow! Haha, at nakakapagsalita pa!“ Dagdag pa nung boss nila.

Agad namang lumapit yung isa sa mga siga sa bintana at sumagot.

“Anong klaseng zombie ka? Diba umuung*l lang kayo? Tsaka parang nasa katinuan ka naman.“ Sabi niya.

Sumimangot lang ang lady guard at sumagot.

“Wala akong oras para makipag kulitan sa inyo mga puslit!!“ Sigaw niya at dito nga ay kinuha niya ang revolver gun na kulay silver tsaka niya tinutok sa ulo nung lalaking siga.

“W-whoaa!… Chill!… Chill!…” Gulat niyang sabi at nagsalita pa.

“Animal na zombieng yan! Mamamaril!“ Sabi niya habang kinabahan.

“Ngayon, sagutin mo ang tanong ko. May nakita ba kayong mga lalaking tumatakbo dito?“ Tanong niya ulit.

Lumapit naman ang isa sa limang babae at sumagot.

“Oo, pero hindi namin alam kung saan sila nagtatago dahil hindi naman kami lumabas.“ Sagot niya.

Agad namang binalik ni lady guard ang baril na hawak niya sa gilid ng beywang niya tsaka siya naglakad paalis.

Nagulat lang ang anim na lalaking siga, ilang segundong paghihintay na makalayo na yung babaeng guard ay tsaka lang kami umalis sa pader at ibinaba namin ang mga kurtina para hindi nila kami makita sa loob.

Napahinga naman ng naluwag ang lalaking tinutukan ng baril nung lady guard tsaka siya nagsalita.

“Hays! Anong klaseng zombie yun? Bakit namamaril!“ Sabi niya at tumingin sa balikat ko.

“Teka, siya ba ang may gawa nyan?“ Tanong niya sakin.

Tumango lang ako at dahil wala kaming First Aid Kit ay malamang hahayaan lang namin ang sugat ko.

“Teka, ano ba talaga ang mga nangyayare?“ Tanong nung babae.

Sinagot ko naman siya ng deretsahan.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now