CHAPTER 11

677 28 22
                                    

“At yun ang dahilan kung bakit isa na ang bacteria sa rason ng pagiging zombie nila.“ Sabi nung weirdong lalaki.

“G-grabe naman pala.“ Sabi ni gelo.

Agad namang nagsalita si justine.

“Paano nagkaroon ng parasites at virus?“ Tanong niya.

Sumagot naman yung wierd.

“Ganito kasi yun, yung parasite ay eksperimento ko yun.“ Sabi niya.

Agad na lumaki ang aming mga mata, tsaka nagsalita si gelo.

“So, inaamin mo ring ikaw ang isa sa dahilan kung bakit nag kakazombie ang mga tao?“ Tanong niya.

Sumagot naman yung weird.

“Posibleng Oo pero hindi.“ Sabi niya at huminga ng malalim tsaka nagsalita.

“Ang dahilan kung bakit ko pinag aralan ang parasites ay dahil namangha ako sa pwede nilang gawin, dahil kaya nilang bumuo ng maraming iba't ibang anyo ng mga mikrobyo na may iba't ibang laki, ruta ng impeksyon, at mga yugto ng buhay sa loob ng host.“ Sabi niya at nalungkot tsaka nagsalita.

“Pero di ko naman inakalang gagalawin ni alisa ang parasites at mamangha din siya sa kayang gawin nito, kaya ayun. Nilagay niya sa cube ang parasite at hinaluan niya nung liquid na chemical.“ Sabi pa niya.

Wala kaming masabi sa narinig namin, at hindi na ako mag tatanong kung anong klaseng chemical yung hinalo ni alisa, dahil malamang yun yung chemical na sumabog sa laboratory.

“So, paano nabuo yung virus?“ Tanong ni gelo.

“Simple lang.“ Sabi nung weirdo at nagsalita pa.

“Dahil sa mikrobyo.“ Sabi niya.

“H-ha?“ Kunti kong sabi.

Agad namang nagsalita si pres.

“Diba magkaparehas lang ang mikrobyo at bacteria?“ Sabi niya.

Sumagot naman yung lalaki.

“Hindi, dahil ang bacteria ay mikrobyo. Ngunit hindi lahat ng mikrobyo ay bacteria.“ Sabi niya.

Mas lalong hindi namin naintindihan ang sinasabi niya, kaya napailing nalang yung weirdo at nagsalita pa.

“Ang pangunahing pagkakaiba sa pagitan ng mga mikrobyo at bakterya ay ang mga mikrobyo ay kumakatawan sa mga mikroskopikong organismo samantalang ang bakterya ay isang anyo ng mga single-celled microbes.“ Sabi niya.

Biglang hinawakan ni gelo ang ulo niya at nagsalita.

“Aarrggg!! Di ko ma gets huhuhu!“ Sabi niya.

Natawa lang yung werido, kahit ako ay hindi ko rin naintindihan. Di ko talaga alam kung anong point ng pagtatanong namin dito dahil halatang hindi rin naintindihan ni pres ang sinasabi nung lalaki.

“Sge ganito nalang.“ Sabi nung weirdo at nagsalita pa.

“Ang mga mikrobyo ay maaaring maging prokaryote o eukaryote habang ang bakterya ay prokaryote lang.“ Sabi niya.

Natawa nanaman ako dahil wala talagang nakakaintindi sa kanya, nakanganga lang ang mga bunganga naming lahat.

Kaya mas mabuti pang itigil nalang namin ang pag tatanong, dahil walang sense, di talaga namin maintindihan.

“Sge ganito nalang, last na talaga to.“ Sabi nung weirdo at ginawa ang lahat ng makakaya niya para maipaintindi saamin ang pagkakaiba ng mikrobyo at bacteria.

“May pitong  grupo ang mikrobyo, ito ay  bacteria, archaea, protozoa, algae, fungi, virus, at parasites.“ Sabi niya at nagsalita pa.

“Maaari silang maging kapaki-pakinabang para sa nabubulok na mga organikong materyales, at maaari rin silang makapinsala dahil ang ilan sa mga ito ay mga parasites.“ Sabi niya.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now