CHAPTER 8

693 20 18
                                    

“Bakit mo ginawa yun .“ Mahina kong sabi.

Agad naman siyang sumagot.

“Hindi ko hahayaang may gagawin siya sa girlfriend ko gelo, pasensya na.“ Mahina niyang sabi.

Biglang lumaki ang aking mga mata sa narinig.

“Kung ganun, lovers pala kayong dalawa? Ibig sabihin nakiki third wheel ako sa inyo?“ Sabi ko.

Natawa naman siya at sumagot.

“Pwedeng oo, pwede ring hindi. Sekreto pa kasi ang relasyon namin dahil napakaganda ng babaeng yun, muse nga diba, at ang daming nanliligaw sa babaeng yun, pero sabi niya ay ang strict daw ng mama niya. Pag nalamang sumabak na siya sa ganitong relasyon ay malamang pagagalitan yun, kaya naintindihan ko.“ Sabi niya.

Napangiti lang ako sa sinabi niya, kaya pala ang dali lang uminit ng ulo niya noong binast*s ng lalaking yun si charity.

Ilang segundong pag hihintay ay napansin naming wala nang zombie ang dumadaan patakbo, kaya agad na kaming bumaba. Tiningnan ko ang kanan samantalang si sarge sa kabila.

“Cleared!“ Sabi ko.

“Same here gelo, oras na para humanap ng safe room sa first floor.“ Sabi niya.

“Hindi ba natin babalikan si charity?“ Tanong ko.

Umiling lang siya at sumagot.

“Wag na, safe na siya doon. Baka makagat pa ehh. Dapat ako lang.“ Sabi niya.

Bigla akong napalingon sa sinabi niya pero pinigilan niya ang ulo kong humarap sa kanya, kaya natawa nalang ako at dito nga ay tiningnan namin ang unang room, may mga zombie sa loob. Kaya nilock namin ang pinto para hindi makalabas.

Ganun rin sa 2nd room, 3rd, 4th room. Kaya sa pangkalimang room ay dito na kami nakapasok dahil walang niisang tao, pero bukas naman ang pinto.

“Mukhang safe dito.“ Mahina kong sabi.

“Oo nga, tingnan mo nga ang cr.“ Sabi niya.

Agad ko namang pinuntahan, at dito nga ay sa pag bukas ko ng pinto, tumambad sa harap ko ang dalawang babaeng nakàhub0't hûb4d habang nag hahalikan.

Biglang lumaki ang mga mata ko tsaka ko sinara pabalik ang pinto.

“AAAHHHH!!..“. sigaw nung babae.

“H-hoy! Wag kang sisigaw! Baka marinig ka ng zombie!“ Sagot ko habang nakatingin kay sarge.

“Bast0s!!“ Kunting sabi nung babae.

Agad namang natawa si sarge at dali daling nilock ang pinto sa labas dahil sa sigaw na yun.

“Hahaha! Nag loving-loving ba gelo?“ Natatawa niyang sabi.

Tumango ako habang nahihiya.

“HAHAHA! Bakit ba puro nalang nag loving-loving ang mga studyante ngayon ha!?“ Sabi ni sarge at nagsalita pa.

“Lahat nalang yata ng studyanteng buhay pa ay nag loving-loving sa mga oras na to!“ dagdag niya.

Namula mula ang magkabila kong pesnge dahil nakita ko ang apat na naglalakihang bundok sa harap nila.

Pagkatapos nun ay agad na lumabas ang dalawang babae sa loob ng cr na nakabihis uniform na, at kitang kita sa mukha nila ang pagkahiya, kahit ako ay nahihiya rin.

Kaya agad namang nagsalita si Benedict.

“Napaka careless nyo namang dalawa.“ Sabi ni sarge at nagsalita pa.

“Buti at walang nakapasok sa room habang nasa loob kayo ng cr.“ Dagdag pa niya.

Bigla namang sumagot yung boyish na babae.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now