CHAPTER 16

396 15 10
                                    

Nang makita ni jessa ang dalawang zombie ay aakmang sisigaw sana siya pero napigilan ni patrick ang bibig ni jessa.

“Shhh…. Wag kang gagawa ng ingay, kaya namin tong patumbahin nang hindi makakagawa ng tunog.“ Sabi ni patrick.

Kumalma naman si jessa pero kitang kita sa mukha niya ang takot at nanginginig pa nga siya na parang maiihi.

Nilapitan namin ni patrick ang dalawang zombie tsaka namin pinag susuntok sa ulo, dahil yun daw ang dapat naming patamaan para matumba agad at hindi na makabangon.

Pagkatapos nun ay dali dali na kaming bumalik sa hagdan patungong 4th floor tsaka kami bumalik sa room kung saan sila nag aantay.

Pagbalik namin dun ay nakita namin si sarge benedict na dali daling binuksan ang pintuan.

“Ano? Safe ba?“ Tanong ni pres.

Tumango lang sila patrick at dito nga ay nakita nilang may dugo ang kamao namin ni patrick.

“Anyare? Bat may dugo ang mga kamay ninyo?“ Tanong ni pres.

Ngumgiti lang ako at sumagot.

“Wala to, may tatlong zombie lang ang nakaharang sa hagdan kaya pinatumba namin para makapag patuloy kami sa 3rd floor.“ Sagot ko.

Ngumiti rin si pres at sumagot.

“Maraming salamat joshua, ano? Safe ba?“ Tanong niya ulit.

“Oo pres, safe yung mga daanan pero pag baba mo sa 3rd floor, sa pinakauna mismo ng room ay may nakatambak na maraming zombie at hindi pa nakalock yung pintuan.“ Sabi ko.

“Ganun ba, atleast walang zombie sa daan. Malaya tayong maka lakad-lakad.“ Sagot niya.

Hindi na ako nagsalita pa at dito nga ay lumabas kaming lahat sa room at nag punta sa hagdan pababa.

Nang makarating na kami sa hagdan ay dito nila nakita ang tatlong zombie na nakahilata sa sahig.

“dyan sa gilid, sa pinakaunang room. Nanjan ang ubod ng raming zombie.“ Mahina kong sabi, sakto lang na marinig nilang lahat.

Tumango lang ang dalawang sarge at dito nga ay dahan dahan nilang sinilip ang first room tsaka sila nagsalita.

“Nandito nga.“ Sabi ni benedict.

“Pero bakit naman sila nakaharap sa likod?“ Mahinang sabi ni Micheal.

“Ewan, di ko alam. Nagulat nga rin ako dahil pag pasok ko ay hindi nila ako nakita at nakatingin lang sila sa likod, kaya dali dali akong bumalik palabas.“ Mahina kong sabi.

Agad na tinigil niya sarge ang pag silip tsaka nagsalita si pres.

“Ang weird.“ Sabi niya.

“Siguro kung nandito lang si kenneth, malamang may sagot yun kung bakit sila ganun.“ Sabi ni gelo.

Nagsalita naman si lea.

“Since hindi naman pala sila nakaharap, what if dumiretso na tayo sa 2nd floor?“ Sabi niya.

Tumango lang kaming lahat at dito nga ay nagpatuloy kami sa pag baba papuntang second floor, pero sa hagdan ay may isang zombie na inuuntog-untog niya ang kanyang ulo sa pader.

Dahil dun ay nilapitan ni sarge benedict at dito nga ay hinawakan niya ang ulo ng zombie tsaka niya inuntog ng malakas, dahilan para matumba.

“Tara na.“ Sabi niya at sumunod naman kami.

Hanggang sa makababa na kami sa 2nd floor pero wala pa ring zombie sa daan.

“Nasaan ba ang mga zombie? Nasa rooftop ba silang lahat?“ Sabi ni lea.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now