CHAPTER 20

332 21 6
                                    

“GUARD!! TUMAKAS SILA SA LIKOD DUMAAN!!“ sigaw ni alisa.

Dahil dun ay agad naman kaming nag mamadali, kaso nga lang hindi pa nakalayo ang guard sa room kaya nakita niya kami agad at dito nga ay pinapaputukan niya kami ng baril.

Aakmang lalabas na sana ako nang biglang may isang bala ang tumama sa balikat ko dahilan para makabitaw ako sa hinawakan ko at mawalan ng balanse, natumba ako tsaka nahiga sa sahig.

“Arrgggh! Bw*sit na zombieng to! Namamaril!“ Sigaw ni micheal.

“Wag mo na akong alalahanin! Tumakas na kayo!!“ Sabi ko.

Nagdadalawang isip si micheal kung tatakbo ba o babalik nalang sa loob.

“Sge na! Tsaka mo nalang ako alalahanin pag—”

Naputol nanaman ang pag sasalita ko dahil nagpapaputok nanaman ang zombieng guard ng baril, kaya tumakbo nalang si micheal kasama ang iba pa naming kaklase. Pero ako, si gelo, justine, ay hindi nakalabas.

“Mga bw*sit! Nagtangka pa kayong tumakas!“ Sigaw ni alisa at pinag sisipa ang pintuan na pilit niyang binuksan.

Kahit naka lock ang pinto ay hindi kami makaalis sa pamamagitan ng pag daan sa bintana, dahil pag magtatangka kaming lumabas ay malamang babarilin lang kami nung guard.

“Paano na to?“ Sabi ni justine.

Sumagot naman ako agad.

“Diba kaibigan nyo yan? Edi kumbinsihin nyong wag tayong gawing zombie!“ Sabi ko habang si justine ay inalalayan akong makatayo.

“Buksan ninyo ang pinto!“ Sigaw ni alisa.

Tiningnan lang namin siya, tsaka yung babaeng guard ay nakatingin lang din samin.

At dahil magkadikit lang ang room na pinapasukan namin sa room nila lea ay napansin kong sumisigaw si jessa.

“Aahh!! Takbo!!“ Sigaw niya at napansin ko ring humihingi ng tulong si pres.

“Ano kaya ang nangyari sa kabila?“ Sabi ni gelo.

Nang marinig ni alisa na sumigaw si pres ay dali dali niyang inutusan si lady guard na pumunta sa kabilang room, at dahil dun ay pabor samin na tumakas. Kaya habang nagmamadaling pumunta si lady guard sa kabila ay agad naman kaming lumabas sa bintana.

Ako ang pinauna nila dahil ako ang may tama ng baril.

“Hoy! Saan kayo pupunta!!“ Sigaw ni alisa.

Hindi namin siya pinansin at nang makalabas na ako ay dali daling lumabas ring si gelo at justine sa bintana, at dito nga ay tumakbo kami sa likod ng room nila pres.

So bali nakayuko kami ngayon habang ang bintana naman kung nasaan sila pres ay nasa itaas namin, sa gilid namin ay may isang abandon na c.r. pero hindi naman yun haunted kaya hindi nakakatakot.

Aakmang sisilipin ni justine kung ano ang nangyayare nang biglang pinigilan ni gelo si Justine.

“Wag, makikita ka ni lady guard.“ Sabi niya.

Dahil dun ay hindi tinuloy ni Justine ang plano niya.

“Paano natin malalaman kung hindi natin titingnan?“ Tanong ni Justine.

Sumagot naman ako.

“Kunin mo ang celpon mo, e open mo ang camera. Tapos i harap mo sa kanila ang maliit na bilog dyan sa likod ng celpon mo, dyan tayo titingin kung ano ang nangyare sa loob.“ Sabi ko.

Sumang ayon naman sila kaya ginawa ni justine ang sinabi ko.

Inopen niya ang camera at dito nga ay tiningnan namin kung ano ang nangyayare sa loob ng room.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now