CHAPTER 2

710 24 12
                                    

Habang nag susulat ako ng info ay biglang bumangon yung pat*y sa lamesa at naupo, dito na lumaki ang aking mga mata, dahil nakatitig siya sakin habang nakakatakot yung mukha.

Sa sobrang takot ko ay agad akong napasigaw at dali daling tumakbo palabas ng morgue.

"DOK!! DOK!!" Sigaw kong sabi.

Habang tumatakbo ako palayo ay tumingin ako sa pintuan ng morgue at nakita ko siyang nakahubo't hūbàd na nakatayo, nakatitig lang siya sakin.

Di ko alam kung panong nangyareng nabuhay siya ulit, hindi ko nalang namalayan na nasa harap ko na pala si dok at dito nga ay nabangga ako sa katawan niya.

"Ohh, bakit nurse?" Tanong niya sakin.

Tumingin ako sa kanya na habang takot na takot tsaka ako nagsalita.

"Y-yung... p-pat*y... b-bilang nabuhay!" Kaba kong sabi.

Dahil dun ay agad na nilapitan nung doktor ang morgue kaya sumama ako, pero pag dating namin doon ay wala na yung babae.

"D-diba!?... M-multo yung babae!" Dagdag ko pa.

Napailing nalang ang doktor at sumagot.

"Hindi kaya tinago mo yung bangkay nurse? Imposibleng magiging multo yun e may balat pa yun, diba ang mga multo ay ghost? Ibig sabihin kaluluwa." Panermon pa niya sakin.

"P-pero, paano mo naman ipapaliwanag ang nawawala niyang bangkay?" Tanong ko.

Dahil dun ay nagsimula na siyang maghinala.

"Nurse, akin na nga yung mga informations niya. Yung mga kemikal mismo na dumikit sa katawan niya." Sabi nung doktor.

Agad ko namang pinuntahan ang table ko kung saan doon ko nilagay ang mga nagawa kong info tungkol sa katawan nong bangkay pero pag dating ko sa table ko ay nagulat nalang ako dahil biglang nawala yung papelist.

Dahil dun ay wala kaming mga ibedensya dahil parang kinuha niya para walang mag iimbestiga sa kanya.

Kinabuksan...

*LEA's POV*

Kakatapos ko lang maligo at kumain, handa na akong pumunta sa school pero biglang tumawag si gelo sa phone.

"Ohh? Anong atin?" Sabi ko.

"Pupunta kaba sa bahay nila alisa mamaya? Sasama sana ako dahil gusto kong makiramay sa pamilya niya."sabi niya sa kabilang ninya.

"Oo gelo, isama mo na si justine dahil tutulong tayo doon mamaya sa bahay nila pagkatapos ng klase." sabi ko.

Hindi na sumagot si gelo at dito nga ay pinat*y na niya ang linya tsaka na ako pumunta sa labas ng bahay para mag abang ng jeep.

Ilang minutong pag aabang ay nakasakay na nga ako at dumating ako sa school ng 7 minutes.

Agad akong naglakad papasok sa gate at sinalubong ako ng guard na lalaki at ininspeksyon niya ang ID ko para makapasok ako sa school.

Pagkatapos nun ay naglakad na ako papunta sa first floor, dahil nasa 3rd floor kasi ang room namin.

Habang nag lalakad ako ay nadaanan ko ang laboratory room dahil nasa second floor naman ito nakalagay.

Pasimple akong tumingin sa loob ng laboratoryo para tingnan kung gaano kalaki ang damage, kasi malakas daw yung pag sabog, pero nagulat nalang ako dahil napakalinis sa loob, pati yung mga skeloton at mga maliliit na hayop ay nasa lagayan nakalagay.

"Akala ko ba malakas ang pag sabog? Kasi marami daw'ng usok ang nagsilabasan sa bintana." Sabi ko sa isip ko.

Pagkatapos nun ay aakmang ibabalik ko na sana sa daan ang tingin ko nang biglang may isang babaeng tumakbo sa loob ng laboratoryo.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now