CHAPTER 10

602 31 26
                                    

“May tatlong uri ng zombie ngayon sa school natin, una ay bacteria, pangalawa ay parasites at ang pangatlo ay ang virus.“ Sabi niya.

Biglang lumaki ang aking mga mata.

“Pinagsasabi mong weirdo ka? Isa lang ang cause ng pagiging zombie nila at yun ay dahil sa bacteria.“ Pangaral ko pa sa kanya.

Umiling lang siya at sumagot.

“Mali ka, dahil nandoon ako sa laboratoryo noong gabing yun kung saan naganap ang pagsabog ng chemical na ginawang eksperimento ni alisa.“ sabi niya.

Agad akong nagulat at nabigla sa sinabi niya.

“Gabi? Anong ibig mong sabihin?“ Tanong ko.

Sumagot naman siya.

“I mean, mga pasado alas otso na ng gabi nand—”

Naputol ang pagsasalita niya dahil biglang dumating si drake.

“Sarge! Takbo! Nakita kami ng mga zombie!“ Sabi niya.

Dahil dun ay agad naming kinuha ang mga pagkain at dali daling umalis, hindi na kami nag stay doon dahil baka ma corner lang kami sa dami nila.

Habang tumatakbo kami ay kitang kita namin sa likod ang mga zombieng humahabol samin, kaya bumalik kami sa canteen at doon ay nilock namin ang pinto.

Buti nalang at hindi nakalapit samin ang mga zombie kaya hindi nila kami nakita na pumasok sa canteen.

Nagpatuloy lang sila sa pag takbo kahit nalalagpasan na nila kami, hanggang sa bigla nalang nagsigawan ang mga tao sa kabilang room dahilan para pumunta ang lahat ng zombie doon.

Kinuha namin ang chansang yun at dali dali kaming bumalik sa room kung saan namin nakita ang weirdong lalaking to, pero pag dating namin doon ay nilagpasan lang namin ang room dahil medyo kunti nalang ang zombie sa kabilang building.

Dali dali kaming tumawid sa kabila at dito nga ay sinalubong kami ng mga ilang zombie, kaya pinag susuntok namin sa ulo dahil pag nahiga sila sa tuwing sinusuntok namin ay hindi na tatayo pang muli.

“Deretso lang!“ Sabi ko dahil mabilang lang sa daliri ang mga zombie.

Habang naglalakad kami ay sinalubong ko ang mga zombie gamit ang kamao ko, sila oliver naman ay nasa likod ko lang dala dala ang mga pagkain namin.

*OLIVER's POV*

Habang naglalakad kami sa daan ay nasa likod lang kami ni Sarge habang dala-dala namin ang mga pagkain.

Kailangan naming tumawid pa sakabilang building dahil nandoon sila lea at pres na nag hihintay.

Habang naglalalad kami ay tumingin tingin ako sa mga room na madadaanan namin at dito ko nakita ang ibang studyante na ginawa ang lahat para maka survive. Yung iba ay nakatingin lang samin, yung iba ay nilock pa ang pinto sa pag aakalang nag hahanap kami ng mapapasukang room.

Habang nag lalakad kami ay hindi namin namalayang may isang room ang puno ng zombie at hindi pa nakalock yung pinto, kaya nang makarating kami sa room na yun ay agad na lumaki ang aming mga mata at sinubukang kumalma.

Tumakbo kami imbes na maglalakad para hindi marinig ng zombie ang foot steps namin, pero kung hindi kami tatakbo ay makakagat naman kami kaya kinuha ni sarge ang ibang dala kong pagkain at tumakbo kami papunta sa kabilang building.

Nang makita na namin ang kabilang building ay may kunting mga zombie ang nakaabang, pero kitang kita naman na walang zombie sa harap ng room kung saan nakatago sila pres.

“Malapit na tayo!“ Mahinang sigaw ni sarge at sinalubong naming ang ibang zombieng papalapit samin habang may humahabol pa sa likod.

Pinagtutulak lang namin ang mga zombie sa harap since kunti lang at sila at mabilis naman kami tumakbo.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now