CHAPTER 17

388 17 10
                                    

Habang pinagtutulak nila ang mga zombie palayo ay agad kong tinaas ang upuan tsaka ko pinukpok sa mga ulo nila.

Ginaya rin nila ako at pinagpupukpok namin ang mga ulo ng zombie hanggang sa mahiga silang lahat sa sahig.

Napahinga ako ng maluwag, napaupo ako sa sahig at aakmang magpapahinga ng biglang sumigaw si oliver.

“AAAAHHH!! TULONNGGG!! AAAHH!!“ sigaw niyang sabi.

Agad kaming napatingin sa kanya at dito nga ay nakita namin siyang may napakadaming mga kamay ang nakahawak sa kanyang mukha at katawan.

“Ahhh!! Tulong!! Baka makagat ako!!“ Sigaw niya.

Dahil dun ay dali dali naming kinuha ang mga kamay ng mga zombie at nilayo sa kanya.

“Ano ba yan! Akala ko ano na!“ Sabi ko.

Agad namang lumapit si micheal sa pintuan at tumulong sa pag tutulak ng pinto para masara at hindi makapasok ang mga zombie.

Samantalang ako, gelo, at si justine at iba pa naming kasama ay pilit naming nilabas ang mga kamay nung mga zombie para masara ang pinto.

Ilang segundo lang ay nailabas na nga namin ang mga kamay nung mga zombie at dito na nasara nila Micheal ang pintuan.

Napabugtong hininga ako at lahat kami ay napaupo sa sahig dahil sa pagod.

“Hays natapos rin.“ Sabi ni oliver habang hingal na hingal.

Lahat yata kami ay hinihingal at napapagod,  habang nagpapahinga kami ay rinig na rinig namin ang mga zombie sa labas na umuung*l at pilit na pumasok sa loob.

Wala kaming ginawa o hindi kami kumilos, nagpapahinga lang talaga kami dahil kailangan naming hindi gumawa ng ingay para unti unti silang magsi-alisan.

*LEA's POV*

Habang nasa loob kami ng room ay napakalinaw ng paligid, parang lahat yata ng zombie ay sumunod nila Benedict.

“Kamusta na kaya sila?“ Sabi ni charity.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Okay lang ang mga yun, sila pa.“ Sabi ko, dahil alam kong nag aalala siya kay benedict. Syempre mag jowa sila eh.

“Tawagan nyo kaya ang celpon ng isa sa kanila doon?“ Sabi ni charity.

Umiling lang si pres at sumagot.

“Wag, makakagawa lang tayo ng ingay. Alam mo namang napakadami nung mga zombieng humabol sa kanila.“ Sagot niya.

May punto rin naman siya.

“So, ano na ang plano?“ Tanong ko.

Napaisip naman si pres at dito nga ay nagpaalam ang isa sa babaeng kasamahan namin na gumamit ng cr.

Nginitian lang namin siya, actually hindi na niya kailangan pang magpaalam.

Agad namang nagtungo sa cr ang babaeng yun kaya bumalik na kami sa pag iisip kung ano ang susunod naming plano.

“Kailangan muna natin silang papuntahin dito.“ Sabi ni jessa.

“Paano natin gagawin?“ Sagot ko.

Umiling lang siya at nagsalita.

“Ewan, basta yun na muna ang pag tuonan natin ng pansin.“ Sabi niya.

Siguro mas maganda nga kung magsama sama kaming lahat.

“Ganun ba, sge. Tulungan mo kaming mag isip kung paano yun gagawin.“ Sabi ko.

Ngumiti lang siya at ilang minutong pag bi-brain storming ay agad na may naisip na idea si patrick.

“what if lalabas rin—”

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now