At dahil pat*y na si alisa at ang guard ay hindi na na-aamoy ng mga zombie ang katawan nila, ang galing diba? Pero paano naman magiging healthy ang katawan nila e pat*y na nga sila? Ibig sabihin hindi na gumagana ang mga organ kasi hindi na tumitibok ang puso nila. Tsaka paano pa gagana ang utak kung hindi na tumitibok ang puso? Grabe talaga, ang interesting nito. Paano na ko-kontrol ng parasites ang utak ng tao kung hindi na ito gumagana?

Imbes na matakot ay mas nagiging masaya pa nga ako, i wonder kung ilan ang makukuha kong impormasyon sa araw na to.

“Wala na ba talagang ibang paraan para bumalik sila sa katinuan?“ Tanong nung lalaki.

Ngumiti lang ako at sumagot.

“Wala na, pat*y na ang mga yan. Kung gusto mong matigil na ito ay dapat pat*yin na silang lahat para hindi na makaka-kagat pa at hindi na kakalat ang mga infections sa ibang katawan ng makagat. Sa ganung paraan lang mapipigilan ang pag kalat ng mga microbe.“ Sagot ko dahil tama naman ako, kung hindi nila papat*yin ang mga zombieng yan ay kakalat lang sa buong mundo ang microbe pag nakalabas sila sa skwelahan.

“Ganun ba, grabe naman pala.“ Sabi niya.

Ngumiti lang ako at kumuha ako ng injection tsaka ko nilagyan yun nitong hawak hawak kong kukay green na parang plema.

“Oo grabe talaga.“ Sabi ko tsaka ako lumapit sa kanya at tinurok ko yung kulay green sa katawan niya.

Nabigla naman siya sa ginawa ko at aakmang magsasalita nang bigla siyang natumba at gumiling giling na parang OUD.

Pinanood ko lang siya habang naka set na yung timer ng relo ko.

“3.12 seconds. Hays, failed nanaman.“ Sabi ko at ngumiti kasabay ng pagtayo niya at umung*l dahil nagiging zombie na siya.

*LEA's POV.*

Nang tumahan na yung babae ay dito na kami nag plano ulit, tiningnan ko yung babaeng zombie pero wala na siya sa labas. Di ko alam kung saan siya nag lakad-lakad.

“Tanghalian na, saan tayo kukuha ng mga pagkain?“ Tanong ni jessa.

Napailing lang ako dahil di ko alam kung saan kami kukuha ng mga pagkain, kaya nagsalita si pres.

“Siguro—” sabi niya at bigla kaming napatingin sa labas dahil may nagsalita sa taas gamit ang loud speaker.

Nang makita namin ang isang helicopter ay dito na lumaki ang aming mga mata.

*ATTENTION STUDENTS! KUNG MAY BUHAY PA SA INYO AY NAKIKI-USAP KAMI NA UMAKYAT KAYO SA ROOFTOP NG MGA BUILDING KUNG SAAN KAYO NAGTATAGO, DAHIL E RE-RESCUE NAMIN KAYO!*

Nang marinig ni pres ang mga katagang yun ay aakmang lalabas sana siya pero biglang nagsilapitan ang mga zombie sa gitna ng paaralan kung saan mag li-linya kaming lahat para sa flag ceremony.

“H-hindi!! Sino ang nag sumbong!!“ Sabi niya sa galit na tuno.

Agad ko siyang nilapitan at aakmang hahawakan pero bigla niya akong tinulak.

“HINDII!!“ sigaw pa niya.

Di ko siya ma gets, kaya tinanong ko.

“Isa ka siguro sa may pakapana nito no!?“ Sabi ko.

Nabigla naman siya sa sinabi ko.

“H-hindi!“ Sabi niya sabay lapit sakin at hinawakan ang balikat ko.

“Hindi mo kasi naintindihan ehh! Huhuhu!“ Sabi pa niya.

“Kung ganun, ipaintindi mo!“ Sagot ko.

Hindi niya ako sinagot at dito nga ay nagulat nalang ko dahil nasa bintana na sila sarge micheal.

“Buksan ninyo ang pinto!!“ Sigaw ni benedict.

HIGHSCHOOL: SECRETARY Where stories live. Discover now