Mabigat ang bag na dala-dala ko pero nakarating pa rin naman ako sa laundry shop. Walang katao-tao dahil siguro kumakain na rin sila. Marurumi ang mga dala kong punda ng unan. Pero inilagay ko na lamang sa parihabang table. Paglabas ko napatalon ako sa gulat dahil si Jaive ang bumungad sa akin. Nakasuksok ang dalawang kamay niya sa pocket ng pants niya.

"Hi, Mr. Rousville," bati ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng mga labi niya at naglakad palapit sa akin. Hindi naman ako umatras pa kaya nagdikit ang aming katawan. "Jaive?" tawag ko sa kanya dahil pumasok kami sa loob.

"Hindi mo sinabi sa akin na kasama ka pala ni Jaelly rito," sabi niya at pinaglalaruan na niya agad ang butones ng longsleeve ko kaya tinanggal ko ang kamay niya.

"I just want to surprise you, Jaive," ani ko at kinindatan ko pa siya.

"Oh... Na-surpresa nga ako pero hindi ko nagustuhan ang pag-uutos sa 'yo ng manager namin."

"Jaive. Huwag mo siyang pag-iinitan ng ulo, ha? Siya kaya ang magbibigay sa amin ng grades." Nang buhatin niya ako bigla ay hinampas ko ang balikat niya. "Jaive, kakain pa ako sa canteen. Ano'ng ginagawa mo?!" natatawang sigaw ko sa kanya. Ibinaba naman niya ako agad at sabay hinila palabas.

Kumain kami sa loob ng penthouse niya. Nagpa-room service pa siya. Todo na naman ang pag-aasikaso niya sa akin.

"Gusto mo pa?" Umiling ako dahil full na full na ako, eh. Kumuha siya ng table napkin at pinunasan ang gilid ng labi ko. "One week na ang OJT ninyo, 'di ba?" Tumango ako.

"Hindi ka uuwi mamayang gabi sa mansion namin, 'di ba?" tanong ko na tinanguan naman niya.

"Doon ko muna gagawin ang mga nakatambak kong papel diyan sa mesa ko. Kapag uuwi ako sa bahay ninyo ay hindi ko naman iyan matatapos, eh. Makikipagkulitan lamang ako sa mga anak natin," sabi niya. That was true, noong akala namin na behave lang always si Milkaine pero nagsisimula na siyang magdaldal kahit wala ni isa sa amin ang nakaiintindi sa baby talks niya at hindi rin naman siya iyakin talaga.

"Tama iyan," ani ko at nang tingnan ko ang wristwatch ko ay tumayo na ako. "Duty na namin ulit, Jaive. Thank you sa lunch," ani ko at hinalikan ko ang pisngi niya. Kumunot ang noo niya.

"Okay. Ako na ang maghahatid sa 'yo mamaya—"

"No. Dala ko ang car ko, baby," sabat ko at kumindat lang ulit ako sa kanya saka ako tuluyang lumabas.

Ginamit ko ang private elevator niya at sa fourth floor talaga ako naka-assigned. Paglabas ko ay medyo nagulat pa ako dahil sumalubong sa akin si Ms. Martha.

"What are you doing? Bawal gamitin ang private elevator ng president," sabi niya. Napakagat-labi ako.

"Doon po ako galing, Ma'am and besides hindi ko naman po alam ang password ng private elevator," I lied. Salubong pa ang manipis niyang kilay na tumingin sa kabilang elevator.

"Sigurado ka ba riyan?" malamig na tanong ko at tumango ako. "Sige na. Bumalik ka na sa naka-assigned sa 'yo," masungit na saad pa niya at nakahinga ako nang maluwag.

Grabe, daig pa niya ang isang professor. Ang terror niya masyado, ha.

***

Off-duty na namin noong past 5PM na at nagpaalam lang sa akin si Jaive na uuwi na rin siya sa mansion nila but later pa iyon. Napangiti ako dahil may surprise pa ako mamaya.

Kasama ko pang nag-dinner ang parents ko at matagal na rin naming napagdesisyunan ang tungkol sa pagtira namin sa mansion ni Jaive. Ang parents ko na rin mismo ang nag-suggest no'n.

Hindi naman daw puwedeng magtagal pa kami rito sa house namin at enough na raw ang half year na pag-aalaga nila sa amin. Sabi rin kasi nila ay kailangang matuto na rin ako dahil alam daw nila na hindi magtatagal ay ikakasal na kami ni Jaive. Ewan ko lang, ha.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Where stories live. Discover now