CHAPTER 26

3.7K 38 3
                                    

Chapter 26: Irish’s grandparents

WHILE staring at Irish’s beautiful face ay parang may nakikita ako na something... I mean, parang may kamukha siya. I can’t help but tingnan din ang face ni Jaive. Malaki ang similarity nila ng anak niya pero may iba pa talagang kamukha si Irish. It seems nakita ko na ang babaeng iyon pero hindi ko talaga maalala.

“Why are you looking at me like that, Momma?” she asked me at hinawakan pa niya ang face ko. Inayos ko ang pagkakaupo niya at hinarap ko siya.

She kissed my lips na ikinangiti ko dahil iyon na ang favorite na ginagawa niya everytime na nakikita niya ako. Manang-mana nga sila ng Dada niya ay may favorite when it comes to me.

“You’re so pretty, sweetie. I love you,” nakangiting sambit ko and she leaned against my chest.

“I love you too, Momma. Stay with me forever, hmm?” I kissed on the top of her head at narinig iyon ng Tita Ly at daddy niya dahil napatingin ito sa amin.

Ang mukha ni Jaelly ay tila may pag-aalala roon. While my boyfriend ay bayolenteng napalunok lang siya. Hindi ko maintindihan ang reaction nila dahil lang sa narinig from Irish.

“Of course, sweetie,” nakangiting sabi ko. Hindi ko na pinansin pa ang magkapatid na ito.

“Anyway, Kuya Jaive. Ano ba ang binili mo para kay Blaise? Kailangan ay may dala ka,” sabi ni Jaelly at napatingin ako sa boyfriend ko.

“Kailangan pa ba ’yon?” seryosong tanong ni Jaive sa sister niya. Nang sumulyap naman siya sa akin ay nagkibit balikat lamang ako. Hindi naman mahalaga pa iyon, ’no.

“Kami nga ni Rish kaya kami natagalan ay dumaan pa kami sa mall. Para bumili no’n,” sabi niya at itinuro ang dala nila ng pamangkin niya. Isang mini-ref na puwedeng ilagay sa room ko.

“Oh, I forgot,” sabi lang nito. I’m not sure if seryoso ba siya na nakalimutan niya or may alam siya pagdating sa paglilipat ng house.

“Kuya, nakakahiya naman sa best friend ko na wala ka man lang dala kahit na ano?” Napakamot sa batok niya ang kuya niya at tumikhim.

Hay naku, Jaelly. Mahihiya pa ba sa akin ang boyfriend ko, eh may ginagawa na nga kami na kababalaghan sa new condo ko?

“Okay, next time,” sabi niya lamang.

Sinubuan ko na lamang ng pasta ang baby girl namin na masagana na naman siyang kumakain. Katabi ko ring nakaupo si Jaelly at nasa single-sofa naman ang kuya niya.

Akala ko ay matutulog nga silang magtita rito pero umuwi pa rin sila. Magliligpit na sana ako ng mga platong pinagkainan namin sa living room ko nang may nag-doorbell na naman.

Napatingin ako sa digital clock na nasa pader ng condo ko. 11PM na pero sino pa ang bibisita sa akin ng ganitong oras? Agad ko namang nakilala kung sino dahil ang boyfriend ko lang pala na bumalik but he’s with some guy na may dalang uhm... Sofa bed?

Hinubad niya ang coat niya at pinatong iyon sa balikat ko. Magtatanong na sana ako if bakit niya isinuot sa akin ang coat niya but nasagot din ang mga tanong ko. Sexy raw ang suot kong sando na halos makita na ang pusod ko.

Habang inaayos ang pag-s-set ng sofa bed ay nakaakbay sa akin si Jaive. Nagbigay pa siya ng tips para sa mga ito.

“Jaive, bakit nag-abala ka pa? Okay lang naman if wala kang dala,” ani ko at hinarap naman niya ako.

“Actually, mayroon talaga akong dala,” sabi niya at may inilabas siya mula sa pocket ng pants niya. Napangiti ako nang makita ko ang necklace na may flower pendant.

“Para sa akin ’yan, Jaive?” nakangiting tanong ko.

“Yes. May pagbibigyan pa ba ako nito bukod sa girlfriend ko?” nakataas ang kilay na tanong niya.

FPS 3: Billionaire's Secret Affair (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu